Janice sinabi na ang totoo tungkol sa 'secret affair' nila ni Gerald | Bandera

Janice sinabi na ang totoo tungkol sa ‘secret affair’ nila ni Gerald

Reggee Bonoan |May 29,2021
facebook
share this

Janice sinabi na ang totoo tungkol sa ‘secret affair’ nila ni Gerald

Reggee Bonoan - May 29, 2021 - 05:49 PM

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang aktres na si Janice de Belen tungkol sa umano’y relasyon nila noon ni Gerald Anderson na in-upload niya sa Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi.

Matagal nang isyu itong kina Janiz at Gerald pero muli itong naungkat nang mag-guest ang aktres sa Magandang Buhay kung saan natanong siya ng isa sa host na si Melai Cantiveros.

Sinagot ito ni Janice na walang isyu at magkaibigan lang sila at dahil do’n ay nabahiran ang pagkakaibigan nila at hindi na muling nagkita pagkatapos ng serye nilang “Budoy” noong 2011-2012.

Over lunch ay natanong ito ni Ogie, “Sabi ko, Janice medyo na-link ka sa younger sa’yo, parang ang lakas makabata no’n.  So tinanong ko.”

Kuwento ng aktres kay Ogie, “It’s not nainis sa tsimis kasi habang nag-a-artista tayo laging may posibilidad na mati-tsismis ka whether you like it or not. Ke maliit na bagay o malaking bagay, hindi mawawala ‘yun.

“I think mas napikon ako sa point na ipinipilit nila (mga tsismosa) na totoo!  ‘Yung mga pictures na inilalabas nila, mga pictures na kinukuha sa Instagram ko.  So, kung nagtatago ako, bakit ko ipo-post?  Di ba malaking katangahan?”

Sa tanong ni Ogie kung hindi ba naramdaman ni Janice na nakakabata ang ma-link sa younger sa kanya.

“Walang ganu’n.  Never ko siyang naisip at never ko ring naramdaman.  For me it was more, ‘hay mawawalan na naman ako ng friend.’”

Nagkataon na hindi rin nagkikita sina Janice at Gerald kaya tuluyan ng nagkalayo, “Mainit pa (that time ang isyu).  For sure pag nagkita kami ulit, we’re always be the same people.”

Hayan for the second time, muling nagpaliwanag si Janice tungkol sa tsika sa kanila ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending