Janice sa pagdamay kay Kaila sa Maris-Anthony scandal: It’s unfair!
PATI pala ang Kapamilya actress na si Kaila Estrada ay nadamay sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Ilang bashers ang tumatawag ngayon kay Kaila bilang “anak ng cheater” dahil nga sa kanyang amang si John Estrada na may imahe ng pagiging playboy.
Pati nga ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na “Incognito” ay nadamay din dahil nga kasama niya rito sina Maris at Anthony, pati na sina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.
Ilang memes ang naglabasan sa social media kung saan pinalitan ng mga netizens ang titulong “Incognito” sa “Cheaters.” Dito nga binansagan si Kaila na “Anak ng Cheater.”
Sa naganap na grand presscon ng bagong pelikula ng nanay ni Kaila na si Janice de Belen na official entry sa Metro Manila Film Festival 2024, ang “Espantaho”, natanong siya hinggil dito.
Baka Bet Mo: Janice hindi epal, pakialamerang ina; Kaila umiyak sa sobrang kahihiyan
Ano ang pakiramdam ni Janice na pati ang anak niya ay nakakaladkad sa iskandalo nina Maris at Anthony?
“You know, I hate that people brand other people something like that. Just because…sana wala kang pagkakamali kapag nagba-brand kang ganu’n. Sana wala kang pagkakamali.
“Kasi it’s unfair. It’s unfair. You know, when you brand people, you damage their reputation,” ani Janice.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Unang-una, mahirap kasi pag artista ka, sa panahon ng social media, ano, target practice ka, e. Wala kang magagawa, di ba? Kaya lang sana, huwag ganu’n.
“Because if I remember right, there was an article in TIME magazine, that when the internet was created, it was created for people to be able to connect each other from around the world at any time.
“Di ba, kapag may connection na sinasabi, it should be… di ba, kaya nga may Friendster? Kasi friends, di ba?
“So internet should have been a place of knowledge, should have been a place of connection. But now it’s becoming a place of hate. So medyo nakaka-sad,” pahayag pa ng premyadong aktres.
Dagdag pang pahayag ng seasoned star, “Nakaka-toxic. Nakakalungkot. Kaya pilitin na lang natin na happy thoughts ang i-post natin.
“Inspiring thoughts. Inspiring quotations. Kasi as it is, napakahirap na ng buhay, di ba? Let’s try to uplift each other, not destroy each other,” sey ng nanay ni Kaila.
Samantala, natanong din si Janice kung kumusta ang pagsasama uli nila ni Chito Roño sa “Espantaho” after ng last movie nilang “Shake, Rattle and Roll 14: The Invasion noong 2012.
“Sanay na kasi ako sa kanya. So, hindi na niya ako masyadong natatakot. Tsinitsika ko na siya. But you know, it’s always a joy working with him. Kailangan lang talaga, pag katrabaho mo siya, hindi ka sensitive.
“Yun lang, kasi it’s about the work. It’s nothing personal. I love you!” sey pa ni Janice about Direk Chito.
Kasama rin sa horror film na “Espantaho” sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Eugene Domingo, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co at Archi Adamos. Ito’y mula sa Quantum Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.