Tambalang Maris Racal at Anthony Jennings, 'the end' na nga ba?

Tambalang Maris Racal at Anthony Jennings, ‘the end’ na nga ba?

Therese Arceo |February 28,2024
facebook
share this

Tambalang Maris Racal at Anthony Jennings, ‘the end’ na nga ba?

Therese Arceo - February 28, 2024 - 07:53 PM

Tambalang Maris Racal at Anthony Jennings, 'the end' na nga ba?

Maris Racal at Anthony Jennings

MARAMI ang nalungkot at nadurog ang puso dahil tila nagpaalam na ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings sa drama series na “Can’t Buy Me Love”.

Sa episode kasi ng naturang teleserye na ipinalabas nitong February 27 ay nalaman na ni Irene Tiu [karakter ng aktres] na hindi siya buntis at masaya niya itong ibinalita kay Snoop [karakter ni Anthony].

Marami kasi ang nag-akala na magiging ama na si Snoop dahil “mukhang” nabuntis niya ang karakter ni Maris which turns out na hindi pala at delayed lang ang dalaga.

Kaya naman nalungkot ang mga supporters ng kanilang tambalan dahil naudlot ang mas maraming pagsasama ng dalawa sa teleserye.

Ngunit tila “the end” na talaga para sa tambalang Maris at Anthony na mas kilala bilang “SnoRene” base sa Facebook post niya.

“that’s it for snorene [poop and ehite heart emoji] salamat sa pagmamahal [smile emoji],” saad ng aktres.

Baka Bet Mo: Maris Racal binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Ang ganda! Naiiyak ako!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani nga ang post ni Maris ng samu’t sating komento mula sa kanilang followers at supporters.

“Ang sad.palagi pa naman akong nag aabang sa eksena nyo [sad emoji],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nooooooo. Invested na kami ng jowa ko sa snorene. [crying emoji] panindigan nyo kami Maris Racal.”

“kayo ang rason why naeexcite ako sa series. Moreeeeeeee,” sey naman ng isa.

May ilan naman na naniniwalang hindi pa dito nagtatapos ang kanilang tambalan at may plot twist na nakabang pero pinagpapahinga lang sila dahil mas inaabangan na raw sila kaysa sa mga bidang sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Matatandaang nagsimulang nagustuhan ng madlang pipol ang tambalan nina Maris at Anthony matapos ang poop scene nila sa naturang teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula noon ay marami na ang nag-abang kung saan nga ba patungo ang tambalang SnoRene.

For sure ay magkakaroon pa rin ng eksenang magkasama ang dalawa dahil marami pa rin ang nag-aabang sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending