Maris binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Naiiyak ako!

Maris binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Ang ganda! Naiiyak ako!

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Maris binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Ang ganda! Naiiyak ako!

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 12:05 AM

Maris binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Ang ganda! Naiiyak ako!

Maris Racal at Vicki Belo

“AKO lang lang nagbibigay ng designer (bag) kay Maris (Racal)!” Yan ang ipinangalandakan ni Dra. Vicki Belo sa buong universe kamakailan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Sa kauna-unahang pagkakataon ay mat nagregalo kay Maris ng bonggang-bongga at super expensive na Chanel bag!

Nag-collab ang Kapamilya actress at ang celebrity surgeon-dermatologist sa YouTube kung saan mapapanood ang pagpu-food trip nila da Binondo, Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang bahagi ng vlog, ipinakita nga ang pagbibigay ni Vicki ng mamahaling bag kay Maris na ikina-shock ng aktres. Hindi siya makapaniwala sa nakitang sorpresa para sa kanya ng wifey ni Hayden Kho.

Baka Bet Mo: Regine napaiyak habang nagbibigay ng birthday message kay Ogie: ‘Mas mahal ko pa siya ngayon kaysa dati…I’m his biggest fan’

“Oh my God, Doc! you did not!” ang nanlalaki ang matang reaksyon ng “Can’t Buy Me Love” star.

Sabi naman sa kanya ni Vicki, “Ayan, thank you, alam mo naman ang Belo, we love you.” Na sinagot ni Maris ng, “Doc, this is my first!”

“First Chanel, yay! I love giving the first. I hope you like it,” sey naman ni Vicki.

Ang hindi pa rin makapaniwalang hirit ni
Maris sa cosmetic surgeon, “Hindi nga, Doc, pangatlong bag mo na ito sa akin.”

Tugon ni Vicki habang tawa nang tawa, “Oo nga, e, ako lang nagbibigay ng designer kay Maris. So yung first bag natin ano, (Louis) Vuitton, di ba?”

Pero kinorek siya agad ng girlfriend ni Rico Blanco, “Ay, first was Gucci. And then ito, Bottega (sabay turo sa gamit niyang bag).”

“Oh, sinusuot naman so I get so excited to give her kasi appreciated, at saka Maris doesn’t spoil herself,” sey uli ni Vicki.

“Ayan, it’s so pretty. It’s one of the newer styles kasi heart na ngayon ang Chanel-Chanel, e,” dugtong ni Vicki.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nagbenta ng Chanel wallet. May problema na ba sa pera?

Patuloy na chika ni Maris, “Oh my God, Doc ang ganda! Naiiyak ako!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam mo hindi ko in-expect na magkaka-Chanel ako sa buhay ko.  Swear, (I) swear. It’s so expensive. Thank you, Doc, thank you so much!” ang sey pa niya kay Vicki.

Ang natanggap na Chanel mini flap bag ni Maris na may heart-shaped detail ay isa sa mga classic black lambskin leather ng naturang brand.

Ayon sa official website ng Chanel, ang classic version daw ng nasabing bag (na walang heart) ay nagkakahalaga ng 4,900 US dollars o mahigit P274,200. Ngunit naibebenta raw ito ng mga resellers mula sa halagang P300,000 hanggang P400,000.

Samantala, inasar-asar naman ng ilang netizens ang BF ni Maris na si Rico dahil sa sinabi ni Vicki Belo na siya lang ang nagreregalo ng mamahaling bags sa aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ng ilang fans ni Maris sa posibleng naging reaksyon ng veteran singer-songwriter sa dialogue nina Vicki at Maris, “Rico Blanco left the group!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending