Jessy Mendiola nagbenta ng Chanel wallet. May problema na ba sa pera? | Bandera

Jessy Mendiola nagbenta ng Chanel wallet. May problema na ba sa pera?

Reggee Bonoan - May 08, 2021 - 05:50 PM

Sa YouTube channel ni Jessy Mendiola-Manzano ikinuwento nito na kapag gusto niyang bumili ng bagong designer bag ay nagbebenta siya ng mga luma niyang bag.

“Kuripot po talaga ako para makabili ako ng isang bagong bag. I always make sure na I’m letting go of one of my bags in my collection,” pahayag ni Jessy.

Ang kapalit ng bagong bili niyang Louis Vuitton bag na talagang gustung-gusto niya ay binenta niya ang Chanel wallet-on-chain na aniya ay hindi naman nagagamit.

“For me, if more than 10 na ‘yung bags mo, it’s just too much. That’s just me, ha, that’s my opinion. Hindi rin talaga ako ma-bag na tao but I like having classic pieces with me in my collection,” sambit ng wifey ni Luis.

Sabi pa na kapag may gusto siyang bagay ay premyo niya sa sarili dahil sa sobra nitong pagta-trabaho.

“I work really hard and I like to reward myself once in a while. I don’t want to come off mayabang naman or I don’t want to come off na magastos. When you work hard, hindi naman necessarily kailangan Louis Vuitton. But alam mo ‘yun, buy something that you really like.

“Kahit ano pang brand ‘yan, kahit ano pang bagay ‘yan sapatos, bag, cellphone or whatever na feeling mo, makaka-reward sa hard work mo, then, go ahead, go for it,” katwiran ni Jessy

Banggit pa na kung may gustong bilhin ay ibenta na lang ang mga gamit na hindi nagagamit para hindi na maglabas pa ng pera.

“’Yung pera na nakuha mo sa mga bagay na ibinenta mo, ‘yun ‘yung ipapambili mo ng bagong bagay na gusto mo,” saad ni Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending