Andrea, Rico pinagtripan ng bashers: Maris, ingatan mo bebe mo!

Andrea, Rico pinagtripan ng bashers: Maris, ingatan mo na ang bebe mo!

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Andrea, Rico pinagtripan ng bashers: Maris, ingatan mo na ang bebe mo!

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 02:58 PM

Andrea, Rico pinagtripan ng bashers: Maris, ingatan mo na ang bebe mo!

Maris Racal, Rico Blanco at Andrea Brillantes

ASAR-TALO na naman ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mga netizens matapos i-flex ang litrato nila ng OPM icon na si Rico Blanco.

Ibinandera ni Andrea sa social media ang pagpapa-picture niya sa dating vocalist ng Rivermaya sa naganap na reunion concert ng naturang banda kamakailan.

Siyempre, hindi na pinalampas ng dalaga ang pagkakataon na makapagpalitrato kasama ang boyfriend ng kapwa niya Kapamilya star na si Maris Racal.

Baka Bet Mo: Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Ayon kay Andrea, matagal na niyang idol si Rico bilang magaling na singer-songwriter kaya kahit blurred daw ang kanilang litrato ay keribels lang dahil ang mahalaga ay may picture sila together.

“Fan girl moment! Kahit blurred it’s okay huhu OMG,” ang text caption ni Andrea sa naturang photo.

At tulad ng inaasahan, hindi na naman nakaligtas ang dalaga sa banat ng mga bashers. May mga nagbabala pa nga kay Maris na kabahan na siya dahil kay Andrea.

Baka raw isang araw ay bigla na lang matukso si Rico sa kamandag ni Andrea at bigla silang maghiwalay tulad na lang ng nangyari kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Andrea rin kasi ang itinuturong third party daw sa breakup ng KathNiel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilan sa mga nabasa naming reaksiyon ng netizens sa photo nina Andrea at Rico ang mga sumusunod:

“Nakupo maris, ingatan mo na ang bebe mo.”

“Bigla akong kinabahan para kay Maris!”

Baka Bet Mo: Kilalang singer nagdiva-divahan sa provincial show, inireklamo ang billing sa streamer: ‘Mainit ang ulo, hindi ngumingiti sa mga bumabati sa kanya’

“Maris kabahan ka na!”

“Yare ka kay Irene Tiu (karakter ni Maris sa Can’t Buy Me Love), wala ka talagang kalalagyan. Walang Mondragon ang makakatalo sa mga Tiu.”

“Target unlocked!”

“Nakakaloka hahahaha kung ako kay Maris, kakabahan na ‘ko.”

“You’ll be safe here hahaha.”

“Idol nya eh kaya nagpapicture talaga kahit ako cguro magpapapicture din kung mabibigyan ng pagkakataon na makaharap mo yong hinahangaan mong tao. As for Maris, she is a very beautiful woman walang dapat ikakaba. And also, a secure relationship mahirap yan masira. I am not saying sisirain ni Andrea ha lol just my 2 cents lang sa mga nagsasabi na kabahan na si Maris.”

“Protect that brother Rico. No matter what the cost.”

“Pagsubok na Naman yan sa Isang magkasintahan.”

“Hello Maris Racal wag kabahan! Mas  gwapa ta meng ar.”

“Para sa mga nag pa fan girl, ganyan talaga ang buhay parang life, basta ang importanti ay mahalaga, at kung saan ka masaya dun ka happy. Wag kang maniniwala sa swerte malas yun.”

In fairness, may nagtanggol din naman kay Andrea at nagsabing tigilan na ang panghuhusga sa dalaga dahil wala namang nagpapatunay na siya nga ang rason ng paghihiwalay nina DJ at Kath.

Wag daw masyadong judgmental!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon nina Maris, Andrea at Rico hinggil sa panunuksong ito ng netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending