Kilalang singer nagdiva-divahan sa provincial show, inireklamo ang billing sa streamer: 'Mainit ang ulo, hindi ngumingiti sa mga bumabati sa kanya' | Bandera

Kilalang singer nagdiva-divahan sa provincial show, inireklamo ang billing sa streamer: ‘Mainit ang ulo, hindi ngumingiti sa mga bumabati sa kanya’

Reggee Bonoan |August 14,2023
facebook
share this

Kilalang singer nagdiva-divahan sa provincial show, inireklamo ang billing sa streamer: ‘Mainit ang ulo, hindi ngumingiti sa mga bumabati sa kanya’

Reggee Bonoan - August 14, 2023 - 11:09 AM

Kilalang singer nagdiva-divahan sa provincial show, inireklamo ang billing sa streamer: 'Mainit ang ulo, hindi ngumingiti sa mga bumabati sa kanya'

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

ASAR-TALO ang kilalang singer na nagsolo na ngayon dahil hindi napagbigyan ang demands niya sa isang show sa probinsya.

Ang kilalang singer ay dating miyembro ng sikat na banda pero umalis na siya sa kanilang grupo at nagdesisyong magsolo dahil feeling niya ay mas malaki ang kikitain niya dahil wala siyang kahati na sa talent fee.

Anyway, naimbitahan ang kilalang singer sa probinsyang bandang Norte pero may nakasabay siyang singer na talagang sikat din kaya’t tuwang-tuwa ang organizer ng show dahil nagustuhan ng mga tao ang mga performers.

Dumating na ang araw ng show sa nasabing probinsya at excited ang lahat maliban sa kilalang singer dahil hindi niya nagustuhan ang streamer na nakapaskel sa mga building at malalaking puno sa nasabing lugar bukod pa ‘yung nasa hotel kung saan sila tutuloy.

Nagreklamo ang personal assistant ng kilalang singer sa organizer na bakit daw wala sa itaas ang pangalan niya gayung kilala naman na raw ang bossing niya.

Nangatwiran ang organizer na seniority ang binasehan nila ng billing plus tama rin naman na hindi mauna ang pangalan ng kilalang singer dahil mas may sikat pa sa kanya.

Baka Bet Mo: Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo

Ayon sa staff ng local government unit o LGU na nakakita sa pagta-tantrums ng kilalang singer ay na-off sila dahil may ganu’ng ugali raw pala ito.

“Magpapa-picture sana sila (mga staff), hindi na lang itinuloy kasi na-turn off sila. So, for sure idadaldal nila yun sa opisina nila, siyempre makakarating sa mga boss nila, e, paano na?

“Hindi na sila makakaulit sa show? Kaya dapat nice ka sa lahat para makaulit ka,” kuwento ng source naming naka-witness din sa pag-iinarte ng singer.

Nabanggit na hindi rin puwedeng umatras ang kilalang singer dahil may kontrata na plus fully paid na siya na ipinadala sa management company niya.

Mainit daw ang ulo ng kilalang singer at hindi ito kumikibo at hindi rin ngumingiti sa mga bumabati sa kanya. Hindi rin daw ito kumain ng mga inihandang pagkain sa kanila sa hotel. Nagkasya na lang yata siya sa baon na sandwich.

Anyway, nang nasa entablado naman na raw ang kilalang singer ay okay ang performance at ang saya-saya ng mga taong nanood. Hindi halatang may nangyaring hindi maganda.

Ang organizer at LGU ay nagtitinginan na lang at nagsabing, “Hindi umubra ang pagiging diva niya.”

Naku, dati nang maraming demands ang kilalang singer na ito kaya nga noong nagpo-produce rin kami ng shows at nagdadala ng artists sa mga probinsya ay ni minsan ay hindi namin siya kinonsider.

In fairness sa stature niya ay affordable ang talent fee niya, huh! Nagbaba kaya siya ng presyo dahil ang daming bago ngayon na magagaling din?

Sikat na male celeb nagkalat habang nagpe-perform sa probinsya; wala na sa tono, nakalimutan pa ang lyrics

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pang-asar ni Brenda Mage sa mga ‘Marites’: Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending