Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo | Bandera

Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo

Therese Arceo - October 05, 2022 - 05:38 PM

Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo
NAKIPAG-UGNAYAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Erwin Tulfo sa Public Attorney’s Office para tulungan ang mga single mothers na kumuha ng sustento o child support para sa mga anak.

Pumirma ang dalawang ahensya sa isang memorandum of aggreement matapos makatangga ng maraming reklamo ang DSWD na kulang ang mga tatanggap nitong financial support mula sa mga asawa o dating karelasyon para sa mga anak nila.

“Marami po ina nagtatanong kung sakop daw ba ng DSWD ang dapat hingan ng sustento yung kanilang mga ex, asawa, boyfriend na naanakan po sila. Eh sabi ko, hindi naman ho, pero pwede namin kayong tulungan na magbigay kami ng demand letter,” saad ni Tulfo.

Ngunit sa kabila rawcng pagpapadala ng demand letter ay may mga ama pa rin daw na hindi natitinag.

“Pero napansin ko mukhang yung ibang ama ay hindi talaga pinapakinggan yung aming demand letter so napilitan na ho kami makipag-ugnayan … na kapag after ng demand letter ayaw pa ring magsustento, eh sa korte na ang bagsak mo. Magpaliwanag ka na doon sa korte,” pagpapatuloy pa ni Tulfo.

Lahad ng DSWD secretary, ang mga abogado mula sa PAO ang magbibigay tulong sa mga nanay na singilin ang mga sustento na karapat-dapat lamang nilang makuha para sa kanilang mga anak.

Ayon pa kay Tulfo, maaari raw pumunta ang mga ina sa regional o provincial offices ng ahensya para makahingi ng assistance sa paghingi ng suporta sa mga ama ng kanilang mga anak.

Nagpaalala rin ang DSWD secretary na maaaring kasuhan ang mga ama ng Violence Against Women and their Children kung papalya sila sa pagbibigay ng pinansyal na suporta para sa kanilang mga anak.

“May batas ho tayo: Family Code of the Philippines, tsaka yung Violence Against Women and Children, yun po yung magkukulong sa inyo,” lahad ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Bakit violence against women and children? Kasi economic po eh…hindi man psychological, hindi ma physical, kundi economic, pinapahirapan mo yung nanay atsaka yung bata.”

Iba pang mga balita:
Umano’y korupsyon sa DSWD, DOE ibinunyag ni Pacquiao

Erwin Tulfo idineklarang persona non grata ng PMA alumni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

DSWD nagsimula nang mamigay ng social pension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending