Pasahero sa tricycle nanampal ng Badjao: Duduraan niya 'ko!

Pasahero sa tricycle nanampal ng nanlilimos na Badjao: Duduraan niya ‘ko!

Ervin Santiago - February 25, 2025 - 12:05 AM
Pasahero sa tricycle nanampal ng nanlilimos na Badjao: Duduraan niya 'ko!

USAP-USAPAN ang post ng isang netizen sa social media patungkol sa isang nanlilimos umanong Badjao na kanyang sinampal kamakailan.

Napilitan daw ang Facebook user na sampalin ang naturang pulubi dahil duduraan daw siya nito matapos tumangging magbigay ng pera.

May title na “Sinampal ko yung Badjao” ang naturang post kung saan ikinuwento ng netizen ang nangyari habang nakasakay siya sa isang tricycle at biglang sumulpot ang isang Badjao na nanghihingi ng limos.

Una raw hiningan ng pulubi ang babaeng pasahero na katabi niya sa tricycle pero hindi ito nagbigay kaya hinila raw nito ang buhok ng girl.

Nang siya na raw ang hingan ng pulubi ay sinabihan din niya ito ng “wala.” At nang akmang duduraan siya nito ay mabilis niyang nasampal ang Badjao pero hindi naman daw malakas.

“Tumabingi yung mukha niya kaya sa side siya napadumura. Akala ko hihinto siya, pero dudura pa ulit, kaya hinila ko ang buhok niya (hindi totally na hila, parang hawak na may konting paghila).

“Tapos, umandar ang tricycle nang dahan-dahan, hawak ko pa rin siya, tapos bigla ko na lang siya binitawan. Nung medyo malayo na yung pagitan namin, pinakyuhan ko siya habang siya umiiyak patalikod na. Si ate na katabi ko, shocks lang habang nakatingin sa akin,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS

Sabi ng pasahero, “Ewan ko kung naguilty ako that time. Pinapakiramdaman ko ang emotions ko, pero wala eh. Sobrang nakakainis na dumadami na naman ang Badjao sa lugar namin, eh wala naman dati.”

Nakita raw niya uli ang Badjao pagkalipas ng ilang araw at talagang nag-dirty finger ito sa kanya. Hindi na lamang daw niya pinansin ang pulubi. Narito ang mga reaksiyon ng mga nakabasa sa kanyang post.

“Nkaka bwisit tlaga cla minsan kaya wag ntin pamihasain .. knina nka kita ako matandang lalaki nainom ng buko juice biglang hinablot ng badjao ung iniinom nia walang nagawa ung lalaki abot tanaw nlng”

Yung classmate ko sumakay ng PUB sa may bandang bintana sya, nakaearphones at nakapikit, mejo masama pakiramdam. Nagulat nlng sya sinapak sya ng badjao, na shock classmate ko to the point na iniisip pa nya ano nangyari. Yung badjao patakbong bumaba. Biglaan ang nangyare na ung konduktor hnd napansin. Ako ung G na G. Kainis tlga. Yung iba may baong bato or panghampas.”

“Sabi nga nila, magbigay sa tamang paraan, hindi sa daan. May mga program government para sa kanila like DSWD binibigyan ng livelihood programs pero tmatakas yan sila, mas gusto yung bigay lang di na pinaghihirapan. Kaya never na ulit ako nagbibigay sa mga yan. Mga bata ang nanglilimos makikita mo mga magulang nagiinuman lang. Ginagamit pa mga sanggol para kaawaan. Never again.”

“Ang satisfying hahaha. Ako kase sa utak ko lang sila nabubogbog.”

“Minsan nakakapikon na rin talaga at imposible na mag take ng ‘moral high ground’ palagi. Tao lang tayo. Pero it’s still best to stay calm sa ganitong situations, baka mamaya magtawag ng kasama o mas malala pa sa dura ang gawin sayo next time. not saying you shouldn’t assert yourself pero feeling ko kung mahinang slap, proportionate pa naman sa gagawing dura sa kanya.”

“Kasamahan ko sa work dati, hiningan ng badjao, binigyan niya ng dalawang piso, tinapon sa mukha niya, ayon nagalit, hinampas ng payong ang badjao, malakas din yung pagka hampas siguro 9 ang pain level nun.”

“Sana may gawin ang gobyerno para sa mga ganiyang Badjao, masyadong namimihasa at nakakapaminsala na rin sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Actually i cannot say that she did right but i cannot blame her for her actions. Minsan kz pag hindi ka pumalag subra din tlga to the point ikaw ang maagrabyado at masasaktan and what if mas subra at malala ang gwin sayu would you accept na okay lng at palagpasin lang juat because they are exemptem for the sake of humanity? Just like what i said i dont really that she did that right thing but that is just she respince to the situation.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending