DSWD may ‘Program SOLo’ para sa single parents: We’re here to support you!
HINDI na magiging “feeling lonely” ang mga mahal nating single parents!
May bagong programa kasi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyak na dadamayan at susuportahan ang mga single parent sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Ito ang tinatawag nilang “Strengthening Opportunities for Lone Parents” program o Program SOLo.
Ayon sa DSWD, kabilang sa efforts at focus ng programa ay ang tinatawag nilang “parent-child intervention.”
Gayundin ang emotional support, alternative care arrangements for children or dependents, at countering stigma and discrimination.
Baka Bet Mo: Erwin Tulfo may babala sa mga ayaw magsustento sa mga anak: Sa korte ang bagsak mo
Sabi ni Social Welfare Undersecretary Edu Punay sa isang pahayag, “Personally, I know solo parents will do everything for their children, they dedicate their entire life to their children, to make a better future for them.”
“We are here to support you and I know for a fact that this program will benefit our solo parents and ultimately, their children,” ani pa niya.
Kamakailan lang, pumirma ng memorandum of agreement ang DSWD at ang local government ng Lapu-Lapu City sa Central Visayas upang isagawa ang pilot launching ng programa sa nasabing probinsya.
Kabilang sa “Program SOLo” ay ang single parents na may dalawa hanggang tatlong non-working children na hindi lalagpas sa edad 22, pati na rin ‘yung mga nakatira malapit sa kanilang pamilya at ang mga nasa iba pang kategorya na kasama sa Republic Act 11861 o “Expanded Solo Parents Welfare Act.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.