DSWD pinalawig ang ‘cash-for-work program’ sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill | Bandera

DSWD pinalawig ang ‘cash-for-work program’ sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill

Pauline del Rosario - March 19, 2023 - 05:28 PM

Balita featured image

IMBES na 15 days, pinalawig ng mahigit isang buwan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash assistance program na inihandog para sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Mismong si Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor ang nag-anunsyo niyan sa inter-agency meeting noong March 17.

“Ang ating cash-for-work program ay tatagal nang 45 days (first wave) – hindi na siya 15 days lang,” sey ni Dolor said.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga apektadong residente ay inatasang mangolekta ng mga materyales na gagamitin sa ginagawang improvised spill booms at oil absorbents.

Ayon sa gobernador, hindi bababa sa 14,504 na mga residente ang nakikinabang sa cash aid program at ang eligible participants ay babayaran ng katumbas ng regional minimum wage tuwing ika-limang araw.

Para sa kaalaman ng marami, ang cash-for-work program ng DSWD ay isang short term intervention na layuning magbigay ng temporary employment sa mga indibidwal na naapektuhan ng trahedya.

Baka Bet Mo: DOH nabahala, residenteng apektado ng oil spill sa Mindoro nagkakasakit na

Ang beneficiaries ay pwedeng magbigay ng oras pagdating sa environmental protection and preservation, gaya ng tree planting at coastal cleanup.

Bukod diyan, pwede rin sa food security intervention, katulad ng communal gardening, agricultural production at marami pang iba.

Kung maaalala, lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan noong February 28.

Ang oil tanker ay may dalang 800,000 na litro ng langis na nagdulot ng oil spill sa maraming lugar at nagdeklara na ng “state of calamity.”

Ayon sa datos ng DENR, mahigit 590 na ektarya ng “marine protected areas” sa nasabing bayan ay maaaring masira ng oil spill.

Nitong March 3, nagbabala ang Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO) sa mga apektadong residente sa posibleng panganib sa kalusugan sakaling ma-expose sa kontaminadong tubig-dagat.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oil spill sa Oriental Mindoro patuloy na kumakalat, 24k ektarya ng coral reef ‘nanganganib’

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending