Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: 'Ayoko na...pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit' | Bandera

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Ervin Santiago |March 09,2022
facebook
share this

Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 07:22 PM

Xian Lim

SA halip na mabwisit at magpaapekto nang bonggang-bongga sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo, idinaan na lamang ni Xian Lim sa “hugot” ang kanyang saloobin.

Isa lamang si Xian sa mga celebrities na nagkomento tungkol sa nakakalokang oil price hike sa bansa, partikular na sa mga petroleum product.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso actor at lead star ng upcoming GMA series na “False Positive” kasama si Glaiza de Castro, ang kanyang sentimyento sa gitna ng patuloy na pagtaas ng crude oil.

Ngunit sa halip nga na magalit at magreklamo sa record-breaking energy pricing sa merkado, nag-post ang boyfriend ni Kim Chiu ng funny quote na pinusuan at ni-like ng mga netizens.

“Wala ba akong karapatan magmahal?! Ang dami-dami n’yong sinasabi. Ayoko na. ‘Pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit. – Gasolina,” ang  caption ni Xian sa litrato niya na kuha sa isang gasolinahan.

At dahil nga sa walang-tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina, bilang isang motorcycle enthusiast, baka raw iwasan na muna niya ang mga long rides para makatipid.

“Pass muna sa long rides. Kape-kape muna sa kanto,” ang hugot pa ni Xian na adik na adik sa mga road trips.

Marami naman ang nag-react sa nakakaaliw na IG post ng Kapuso star.

Suggestion ng isa niyang tagasuporta, “Biking na lang muna.”

“Time to go back to biking,” ang sabi naman ng isang netizen.

“Padyak nalang muna Sir @xianlimm. yun nalang muna ang long rides,” sey ng isa pang IG user.

“Thank you Xian. You’re so funny. You make me laugh in my hard day!” komento pa ng netizen.

“Wala. Wala. Wala. Talaga. Mapapamura kami sa’yo sa mahal,” ang reaksyon naman ng isang Instagram user sa oil price hike.

View this post on Instagram

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)


Kamakailan lamang ay nagtungo si Xian sa Sagada gamit lamang ang kanyang Ducati Multistrada. Umabot daw ng dalawang araw ang pagmo-motor ng binata patungo roon.

Minsan nang naisama ni Xian si Kim sa isang long ride gamit ang kanyang big bike. Aniya, “Through hard work and patience, grabe I never thought this day would come…nakakatuwa lang because again, in the previous moto posts, throughout the time that I started riding, I got to meet wonderful people who share the same passion as I do.”

“Nakaka-happy that this is our first time to explore on a big bike. It is such a different experience. I love you for trusting me. Thank you!” ani Xian na sinagot ni Kim ng, “As long as you are happy!! Kahit mega init, laban lang!! Hahahha thanks Xi!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To more rides, to exploring the world. to trusting in Him that nothing that ever happens to us is a coincidence. It is through faith, knowing and believing that everything will fall in to place,” ang sabi uli ni Xian.

Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending