DOH nabahala, residenteng apektado ng oil spill sa Mindoro nagkakasakit na
MISMONG ang Department of Health (DOH) Officer-in-Charge na si Maria Rosario Vergeire ang nagkumpirma na may mga residenteng apektado sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro ang nagkakaroon ng sakit.
Sa naganap na ceremonial turnover ng Health Technology Assessment sa Department of Science and Technology, ibinahagi ni Vergeire na bagamat kakaunti pa lang ang residenteng kinakikitaan ng sintomas ng sakit ay may dulot pa ring panganib ang oil spill sa kalusugan ng mga ito.
“We’ve noted these kinds of symptoms already. ‘Yung pananakit ng tiyan, pagsusuka. ‘Yung iba naman nagpa-palpitate, ‘yung tumataas ‘yung kanilang heart rate tapos parang nahihirapan huminga. ‘Yung iba naman parang nahilo. ‘Yung iba sumasakit ang ulo. ‘Yung iba nag-uuubo at ‘yung iba namang may hika, na-aggravate,” saad ng DOH officer-in-charge.
Dagdag pa ni Vergeire, may isang residente ang kinakailnang itakbo sa pagamutan dahil sa asthma. Buti na lang ay naagapan ito agad.
Inatasan naman ng DOH ang mga municipal health officer ng mga apektadong lugar na magbantay sa mga iba pang posibleng sintomas sa mga residente at agad itong gamutin at tugunan.
“Nakita natin na extensive talaga pagtinignan natin ang shorelines nila talagang ‘yung oil would still be there. Apektado po ‘yung paghinga nila kasi sabi ng DENR ang mangrove daw, kapag natabunan ng oil, nasa roots daw ang oxygen nito. So ibig sabihin mahihirapang huminga, kapag hindi nailinis agad, maaring mamatay,” pagbabahagi ni Vergeire.
Bukod pa sa kanilang hanapbuhay, apektado rin ang water supply ng mga residente na nasa loob ng 100-meter zone mula sa coastline.
“One hundred meters and less na malapit sa shoreline, the water source should not be used. Kailangan binibigyan sila ng government ng tubig. More than that, ‘yung tubig nila maaring gamitin pero kailangan talagang mapakuluan din. But we know that because these are chemicals, ‘pag pinakuluan baka hindi rin tayo maka-prevent. Nevertheless, the government will be providing water,” sey ng DOH officer-in-charge.
Pinayuhan rin ni Vergeire ang mga residente na sa loob ng 100-meter zone sa apektadong coastlines na magsuot ng industrial-grade na face mask habang ang mga naninirahan sa loob ng 500 meters at palayo pa ay pwedeng magsuot ng surgical face masks.
Samantala, nadagdagan na rin ang mga lugar na sumailalim sa state of calamity sa 76 coastal barangays sa siyam na bayan sa Oriental Mindoro.
Matatandaang noong February 28 nang lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan na nakaapekto sa mga mamamayang naninirahan malapit sa lugar.
Iba pang balita:
QC LGU, sasagutin ang pagpapalibing sa residenteng nasawi sa community pantry ni Angel
Mga residenteng sumugod sa community pantry ni Angel isa-swab test nang libre
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.