Bagyong Aghon palabas na ng bansa; P1.2-M ayuda para sa mga nasalanta
ISA nang ganap na “typhoon” ang bagyong Aghon, pero unti-unti na itong lumalabas ng ating bansa.
Ayon sa 8:00 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, May27, ang sama ng panahon ay nasa karagatan na ng Casiguran, Aurora.
Ang taglay nitong hangin ay nasa 140 kilometers per hour at bugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-hilaga sa bilis na 10 kilometers per hour.
Base sa forecast track ng weather bureau, si Aghon ay inaasahang tuluyang lalabas ng ating teritoryo sa darating na Miyerkules, May 29.
Baka Bet Mo: Lalaki nabunggo ng tricycle, nadaganan pa ng puno; 3 menor de edad sugatan
“Typhoon AGHON will move generally northeastward over the Philippine Sea for the entirety of the forecast period. It may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Wednesday afternoon or evening as a typhoon,” sey sa website ng weather bureau.
At dahil unti-unti nang lumalayo ang bagyo, kaunti nalang din ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals.
Ang southeastern portion ng Isabela at northern portion ng Aurora ay nasa Signal No. 2.
Habang naka-Signal No. 1 naman ang northeastern and southern portion ng Isabela, silangang bahagi ng Quirino, southern portion of Nueva Vizcaya, ang natitirang bahagi ng Aurora, northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands, at ang northwestern portion ng Camarines Norte kasama ang isla ng Calaguas.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Bongbong Marcos na tutulungan ng gobyerno ang mga kababayan nating nasalanta at biktima ng bagyong Aghon.
“Nagbahagi tayo ng mahigit P 1.2 milyong humanitarian assistance, at inihanda natin ang mahigit P 3 bilyong halaga ng standby funds at prepositioned goods at stockpiles, upang masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong para sa ating mga kababayang apektado ng bagyong #AghonPH,” saad ng presidente sa kanyang X post.
Nagbahagi tayo ng mahigit PhP 1.2 milyong humanitarian assistance, at inihanda natin ang mahigit PhP 3 bilyong halaga ng standby funds at prepositioned goods at stockpiles, upang masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong para sa ating mga kababayang apektado ng bagyong…
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) May 26, 2024
Asahan din, aniya, na patuloy sa pagsuporta ang mga ahensya ng gobyerno upang masiguro na nasa maayos na kalagayan ang buong mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.