PAGASA: Posibleng may 1 o 2 bagyo sa bansa ngayong Mayo
NGAYONG buwan ng Mayo, posibleng magkaroon ng bagyo sa bansa.
Ayon sa weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Rhea Torres, “Ngayong buwan ng Mayo, isa o hanggang sa dalawang bagyo ang maaaring pumasok ng ating PAR (Philippine Area of Responsibility).”
Pero sa ngayon daw hanggang sa susunod na linggo, ay wala pa silang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Sakaling may mabuong bagyo, dalawa ang posibleng maging track nito, ayon sa climatology department ng weather bureau.
Baka Bet Mo: 3 araw magdidilim ang mundo fake news, pero may solar eclipse –PAGASA
Ang una raw ay ang posibilidad ng bagyo na mag-landfall malapit sa baybayin bago lumayo sa bansa.
Ang isa pang forecast nila ay ang pagbuo o pagpasok ng bagyo mula sa silangang parte ng Mindanao at pagkatapos ay babaybayin na ang Cagayan Valley, Eastern Visayas, Bicol Region Mimaropa, at ilang parte ng Calabarzon bago tuluyang lumabas ng bansa.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na bantayan ang weather updates dahil nagbabago-bago rin ang track at forecast ng bagyo.
Nauna nang nagbabala ang weather bureau na ang bansa ay patuloy na makakaranas ng mainit na panahon at “extreme heat index levels” ngayong tag-init season.
Bukod pa ito sa nararanasang epekto ng El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.