Bagyong Aghon mas lumakas, Signal No. 2 itinaas na sa Luzon

Bagyong Aghon mas lumakas, Signal No. 2 itinaas na sa Luzon –PAGASA

Pauline del Rosario - May 26, 2024 - 12:31 PM

Bagyong Aghon mas lumakas, Signal No. 2 itinaas na sa Luzon –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

BAHAGYANG lumakas at isa nang Tropical Storm ang bagyong Aghon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa 11 a.m. weather bulletin ngayong araw, May 26, ang bagyo ay nasa vicinity na ng Sariaya, Quezon.

Ang taglay nitong hangin ay nasa 25 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos papuntang hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Ayon sa weather bureau, si Aghon ay inaasahang magiging isang “typhoon” pagdating ng Martes, May 28.

Baka Bet Mo: PAGASA: Posibleng may 1 o 2 bagyo sa bansa ngayong Mayo

Posible rin daw itong lumabas ng bansa sa darating na Miyerkules, May 29.

As of today, walong landfalls na ang naitala sa iba’t-ibang parte ng bansa, ayon sa report ng PAGASA.

Una itong tumama sa lupa sa Guiuan, Eastern Samar noong Biyernes, May 24.

Kahapon naman, May 25, anim na beses itong nag-landfall, kabilang na riyan ang ilang lugar sa Samar provinces, Masbate at Marinduque.

Kaninang umaga naman, May 26, nag-landfall ito sa Lucena City.

Dahil sa patuloy na paglakas ng bagyo, itinaas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang lugar sa Luzon. 

Narito ang kumpletong listahan ng mga lugar:

Laguna

Northern and central portions of Quezon – Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio; including Polillo Islands

Silangang bahagi ng Batangas – City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo

Silangang bahagi ng Rizal – Jala-Jala, Pililla, Tanay, Cardona, Binangonan, Morong, Baras

Samantala, inalis na ang Wind Signals pagdating sa Visayas at Mindanao, pero may nakataas pa rin na Signal No. 1 sa Luzon.

Heto ang mga lugar na nabanggit ng ahensya:

Metro Manila

Bulacan

Natitirang bahagi ng Quezon

Natitirang bahagi ng Rizal

Cavite

Natitirang bahagi ng Batangas

Northern and central portions of Oriental Mindoro – Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong

Marinduque

Extreme northern portion of Romblon – Concepcion, Corcuera, Banton

Camarines Norte

Camarines Sur

Southeastern portion of Isabela – Palanan, Dinapigue

Southern portion of Quirino – Maddela, Nagtipunan

Southern portion of Nueva Vizcaya – Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte

Eastern and southern portions of Nueva Ecija – General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Llanera

Southern portion of Bataan – Orani, Samal, City of Balanga, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac

Aurora

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eastern portion of Pampanga – Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat, Mexico, Santa Rita, Guagua, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Lubao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending