Bagyong Aghon posibleng maging typhoon, may Signal No. 1 na –PAGASA
INGAT, ingat mga ka-BANDERA sa binabantayang sama ng panahon sa ating bansa!
Ito ang Bagyong Aghon na dating Low Pressure Area na namataan sa may Mindanao noong nakaraang araw.
Base sa 11 a.m. weather bulletin ngayong araw, May 24, ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng tropical depression ay may layong 240 kilometers sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang taglay nitong hangin ay nasa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Baka Bet Mo: Diwata binabagyo ng blessing, may bahay at P1-M na may bagong kotse pa!
Ang bagyo ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Eastern Visayas bukas ng umaga, May 25, kaya maghanda na ‘yung mga kababayan natin na nandyan.
Ayon sa PAGASA weather specialist na si Benison Estareja, inaasahan na lalo pang lalakas si Aghon sa mga susunod na araw hanggang sa maging isang “typhoon” ito.
“Possible po by tomorrow, magiging isang Tropical Storm na po ito. Then pagsapit naman po ng Linggo hanggang Lunes, posible lumakas pa ito habang umaangat po dito sa may silangang parte ng Luzon –maaaring maging Severe Tropical Storm at pagsapit naman ng Lunes hanggang Martes ay lilihis na ito unti-unting palayo sa ating bansa at lumabas ng ating area of responsibility pagsapit po ng Martes as a Typhoon,” paliwanag niya sa isang press briefing kaninang tanghali.
Bilang malapit na sa kalupaan ang sentro ng bagyo, sinabi ni Estareja na aasahan ang direktang epekto nito sa mga lugar na itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
Sey ng weather specialist, “[Mayroon itong] strong winds, ang impact po nito ay minor to minimal, mas maaari pong mas malakas sa coastal at sa mas matataas na lugar sa mga mountainous areas na exposed po doon sa hangin na dala nitong si Aghon.”
Narito ang kumpletong listahan ng mga nasa Signal No. 1:
Luzon
Sorsogon
Albay (Manito, Legazpi City, City of Tabaco, Rapu-Rapu, Santo Domingo, Malilipot, Bacacay, Malinao, Tiwi)
Catanduanes
Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Tigaon)
Visayas
Eastern Samar
Samar
Northern Samar
Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga, Macarthur, Abuyog, Javier)
Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Liloan, Saint Bernard, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco)
Mindanao
Dinagat Islands
Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group and Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag)
Ayon sa weather bureau, posible pang madagdagan ang kanilang listahan mula sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga Region sa susunod na update
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.