Amihan bahagyang lalakas; mas lalamig, mataas ang tiyansa ng pag-ulan
ASAHAN na patuloy na lalakas ang epekto ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa mga susunod na araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ang magiging dahilan ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.
Magugunita noong Nobyembre nang inanunsyo ng weather bureau ang pagsisimula ng panahon ng Amihan at ang tag-ulan daw ay karaniwang magtatapos pagdating ng Marso o Abril.
“Patuloy pa ring umiiral ang northeast monsoon o amihan dito sa bahagi ng Northern at Central Luzon. Ngayon maging sa mga susunod ng araw ay bahagyang magiging malakas ito,” sey ni PAGASA weather specialist Grace Castañeda sa isang press briefing kaninang umaga, January 25.
Baka Bet Mo: Gerald matapos ma-‘promote’ sa PCG: ‘Gagamitin ko ‘to para lalong maka-inspire!’
Paliwanag niya, “Magdadala ito ng bahagyang malamig na panahon sa malaking bahagi ng Luzon. Ine-expect natin na sa mga susunod na araw ay magiging mataas din ang tiyansa ng pag-ulan sa silangang bahagi ng ating bansa; dulot ‘yan ng amihan at ng shear line.”
Para sa kaalaman ng marami, nangyayari ang shear line kapag ang malamig na hangin mula sa hilagang-silangan na monsoon ay nagsalubong sa mainit na hangin mula sa easterlies o Karagatang Pasipiko.
Nabanggit din ng ahensya na wala silang binabantayn na bagong Low Pressure Area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ngunit ang babala ni Castañeda: “Sa mga susunod na araw kung saan ine-expect natin na posibleng maging mas malakas ‘yung amihan, continuous monitoring tayo… sa posibilidad… [na] maging katamtaman hanggang sa maalon ‘yung lagay ng mga dagat-baybayin natin dito sa area ng Northern Luzon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.