Gerald matapos ma-‘promote’ sa PCG: ‘Gagamitin ko ‘to para lalong maka-inspire!’
MUKHANG lalong ginanahan ang aktor na si Gerald Anderson na magserbisyo sa bansa, lalo na sa ating mga kababayan.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni Gerald ang naging promotion niya kamakailan lang sa Philippine Coast Guard (PCG).
“I’m deeply honored & humbled by this recognition [folded hands emoji] Salamat Senator Robin Padilla for passing the Resolution for this promotion,” bungad niya sa isang Instagram post, kalakip ang ilang moments sa oath-taking ceremony na naganap sa BRP Teresa Magbanua.
Sey niya, “Napakalaking bagay para sa akin ang iyong paghanga sa aking nagawa.”
“Gagamitin ko ito para lalong ma-inspire ang ating kabataan…at makapagbigay pa ng awareness sa ating Philippine Coast Guard [salute, Philippine flag emojis],” mensahe ng aktor.
Baka Bet Mo: Gerald sa pagliligtas ng buhay: That’s the feeling na hindi mo mabibili
Aniya pa, “Salamat sa aking Philippine Coast Guard Family sa promotion na ito at sa walang sawang suporta sa aking mga endeavours…sa family and friends ko salamat sa pagpunta and support [folded hands, blushing emojis] i share with all the volunteers and rescuers [salute emoji].”
View this post on Instagram
Sa hiwalay na post, ibinandera naman niya ang isang video na ipinapakita muli ang mga kaganapan sa event.
“A day full of Gratitude and Love…this day is for all the Heroes and all their sacrifices,” proud niyang sinambit sa IG post.
Wika pa niya, “I am only a representative of the heroism dedication and courage of all the Volunteers and Rescuers [folded hands, Philippine flag emojis].”
View this post on Instagram
Magugunitang na-promote bilang “auxiliary captain” ng PCG si Gerald dahil sa ipinakita niyang kabayanihan ng mga nagdaang pananalasa ng mga bagyo.
Naging aktibo siya sa pagtulong at kabilang na riyan ang rescue operations sa kasagsagan ng Typhoon Ondoy noong 2009, ang pagtulong niya sa Aetas sa Zambales, recovery operations sa mga pamilya sa Marawi, pagdo-donate ng medical supplies at tents noong COVID-19 pandemic.
At ang recent lamang ay noong Agosto na kung saan ay lumusong pa siya sa matinding baha upang tumulong sa pagsagip sa mga naging biktima ng bagyong Carina sa Quezon City.
Nauna siyang nabigyan ng “search and rescue medal” bago tumaas ang ranggo sa PCG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.