Lalaki nabunggo ng tricycle, nadaganan pa ng puno

Lalaki nabunggo ng tricycle, nadaganan pa ng puno; 3 menor de edad sugatan

Pauline del Rosario - May 26, 2024 - 01:00 PM

Lalaki nabunggo ng tricycle, nadaganan pa ng puno; 3 menor de edad sugatan

PHOTO: Reuters/Erik De Castro

APAT ang sugatan sa Bicol Region dahil sa hagupit at pinsala na dala ng bagyong Aghon.

Sa isang press conference ngayong araw, May, 26, iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) na ang injured persons ay naitala sa Legazpi, Albay.

“Apat sa Legazpi – tatlong bata 12, 11, 5, lahat lalaki; isang 30-year-old male,” sey ni OCD Spokesperson Edgar Posadas.

Walang detalye kung ano ang nangyari sa tatlong menor de edad, pero ang 30-year-old daw ay nabunggo ng tricycle at nahulugan pa ng puno. 

Base rin sa report ng OCD, umabot na sa 2,734 na katao o 513 na mga pamilya ang apektado sa bagyo.

Baka Bet Mo: Bagyong Aghon mas lumakas, Signal No. 2 itinaas na sa Luzon –PAGASA

Dahil diyan, nasa 2,669 na ang mga inilikas sa kanilang mga tahanan at kasalukuyan nang nasa mga evacuation centers.

Sinabi rin ng ahensya na nasa 17 na bahay ang partially damaged o bahagyang nasira, habang may apat na bahay naman ang talagang nawasak na.

Dahil naman sa malakas na hangin na dala ni Aghon, maraming bahay ang nakakaranas ng “power interruptions” o walang kuryente sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Maliban pa riyan, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na aabot na sa 6,338 passengers, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa – 849 na katao sa Nasipit Port, Northeastern Mindanao; 1,708 sa Bicol ports; 1,607 sa Eastern Visayas ports; at 2,913 sa Southern Tagalog ports.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa patuloy na paglakas ng bagyo, pansamantalang sinuspinde ng PCG ang lahat ng biyahe sa karagatan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending