Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress 'nangumpisal' sa TBATS Bandera

Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS

Ervin Santiago |September 26,2021
share this

Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS

Ervin Santiago - September 26, 2021 - 09:14 AM

Rita Gaviola

DESIDIDO na ang dating internet sensation na si Rita Gaviola o mas kilala bilang “Badjao Girl” sa pagsali sa Miss Universe Philippines pageant.

Taong 2016 nang mag-viral ang litrato ng dalaga na kuha ng isang netizen habang namamalimos sa kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Nitong nagdaang linggo, muling nag-trending si Rita nang mag-post siya ng mga bagong litrato sa Instagram kung saan nga makikita ang kanyang bonggang transformation.

Sa caption, sinabi nga ng dalaga ang plano niyang pagsali sa Miss Universe Philippines very soon na aniya’y matagal na talaga niyang pangarap.

“Dati po pangarap ko magsuot ng gown, nakikita ko ‘yung mga iba sobrang ganda. Naiinggit ako. Tapos sabi ko, one day makakapagsuot din ako nito. Hindi man sa ngayon pero soon alam kong maaabot ko ‘yung pangarap ko,” pahayag ni Rita sa panayam ng “Unang Hirit.”

Aniya pa, “Nu’ng una po siyempre parang nag-aalangan pa kasi bata pa ako so parang malabong mangyari ito. Pero, naisip ko why not hindi ako mag-try, wala namang mawawala, kung natalo ka, at least sinubukan mo. 

“Diyan po magsisimula, kailangan mong madapa bago manalo. Para sa akin, hindi man ako manalo o matalo, at least ako natupad ko ‘yung dream ko, napasaya ko pa ‘yung ibang tao,” chika pa ni Rita.

Samantala, naibahagi rin ni Badjao Girl ang mga changes na nangyari sa buhay niya mula nang mag-viral siya noong 2016.

“Ang nabago po sa buhay ko, una ‘yung pamamalimos. Sobrang nabago ‘yun kasi kung dati nakikita nila ko sa kalsada, namamalimos na may buhat na bata, palaboy-laboy ganyan madumi. 

“Pero ngayon sobrang nabago, sobrang proud ako. Ngayon, nakikita nila ko sa TV. Kahit ako sa sarili ko hindi ako makapaniwala na ako ba talaga to? Parang may isang himala,” diin pa ng dalaga.

Bukod sa pagiging “Pinoy Big Brother” housemate, napanood din si Rita noong 2019 sa GMA primetime series na “Sahaya” na pinagbidahan ni Bianca Umali.

* * *

Tutukan ang “pangungumpisal” nina Kapuso stars Faith da Silva at Claire Castro sa isa na namang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo ng gabi.

Sasabak ang dalawang aktres sa interview segment na “May Pa-Presscon” — magsasalita na si Faith, isa sa mga bibida sa nalalapit na GMA drama teleserye na “Las Hermanas”, tungkol sa kanyang rumored romance kay veteran actor Albert Martinez.

Napag-usapan na nga ba nila ang isyu na ito? Bukas nga ba ang Kapuso actress sa pagkakaroon ng relasyon sa isang mas matandang lalaki?

Ilan lamang ‘yan sa mga ilalahad ni Faith na dapat abangan sa “TBATS” ngayong Linggo.

Bukod dito, sasabak din ang aktres sa naughty edition ng “Guilty or Not Guilty” kasama ang “Nagbabagang Luha” star na si Claire Castro.

Magbabalik din ang paboritong laro ng mga Kapuso viewers na “Don’t English Me” kung saan maglalaban ang Team Claire at Team Faith.

Binubuo nina Boobay, Kitkat, at Mema Squad guest star, Buboy Villar, ang Team Faith habang sina Tekla, Pepita Curtis at Ian Red naman ay ang Team Claire.

Kaya kung gusto n’yo ng todo-todong good vibes, huwag palampasin ang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending