BABAE AKO: Faith sa ‘disadvantages’ ng pagiging maganda: ‘Na-o-objectify ka!’

PHOTO: Instagram/@faithdasilva_
SA paggunita ng Women’s Month, isang mahalagang usapin ang muling nabuksan tungkol sa pag-o-objectify sa kababaihan, lalo na sa mundo ng showbiz.
Kamakailan lang, ibinahagi ng aktres na si Faith Da Silva ang ilan sa mga hindi kanais-nais na karanasan niya dahil sa kanyang kagandahan.
Sa kanyang pagbisita sa programa nina Buboy Villar at Tuesday Vargas na “Your Honor,” nag-usapan ang mas malalim na usapin tungkol sa mga hamon ng pagiging maganda sa mata ng lipunan.
“I think ‘yung disadvantage ng pagiging isang maganda ay ‘yung pag-o-objectify sa’yo ng mga lalaki,” bungad ni Faith.
Base kasi sa kanyang experiences, madalas niyang hindi matukoy kung ang isang lalaki ay tunay na may intensyong ligawan siya o kung may iba itong layunin.
Baka Bet Mo: BABAE AKO: Marian, Heart, Pia, Juday, Kathryn may kanya-kanyang ‘powers’
“Hindi ko alam kung talagang gusto ba nila akong i-pursue o gusto lang ‘anikin.’ Alam mo ‘yun?” sey niya.
Ayon sa aktres, isa pang dahilan kung bakit siya nakararanas ng ganitong sitwasyon ay ang kanyang imahe bilang isang sexy actress.
“Siguro rin sa imaging namin na sexy kami, ganito, ganyan. So ang thinking nila is, ‘yung respeto kumbaga medyo nawawala kasi nga na-o-objectify ka,” paliwanag niya.
Isa pang challenge ni Faith ay hirap siyang magkaroon ng lalaking kaibigan.
“Karamihan ng mga lalaki na naging kaibigan ko, dumadating sa point na nai-inlove. Eh ikaw, gusto mo lang naman ng friendship, ‘di ba?” sambit niya.
Nang tanungin siya nina Buboy at Tuesday kung ano ang nagiging reaksyon niya pagdating dito, ang sagot ng aktres ay hindi na niya ito pinapansin umano.
“Hindi na para magkaroon tayo ng conversation about it. Kasi nawala na ‘yung thinking ko na pure ‘yung intention mo sa akin. Kasi akala ko friendship lang pala ‘yung gusto mo pero underlying, meron palang parang may iba kang intention na hindi naman friendship lang,” esplika niya.
Ngayong Women’s Month, isa itong mahalagang paalala na patuloy pa ring nararanasan ng mga kababaihan ang gender biases at objectification.
Ipinapakita sa naging kwento ni Faith na may pangangailangan para sa mas malawak na pag-unawa at respeto sa kababaihan, hindi lamang sa industriya ng entertainment kundi sa buong lipunan na rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.