BABAE AKO: LTO may free 'Driving Course' sa Women's Month

BABAE AKO: LTO may libreng ‘Theoretical Driving Course’ para sa mga kababaihan

Pauline del Rosario - March 08, 2025 - 01:34 PM

BABAE AKO: LTO may libreng 'Theoretical Driving Course' para sa mga kababaihan

INQUIRER file photo

PARA sa mga kababaihan diyan, nais mo bang matutong mag-drive?

May magandang balita ang Land Transportation Office (LTO) para sa inyo! 

Sa pagdiriwang ng National Women’s Month, ang LTO ay may libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga kababaihan sa buong bansa ngayong Marso.

Isa ito sa mga programa sa ilalim ng “Serbisyo Para kay Juana” ng Philippine Commission on Women (PCW) bilang bahagi ng Women’s Month celebration.

Baka Bet Mo: BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

“Bilang pagkilala sa lakas, tibay, at mga kontribusyon ng mga kababaihan sa lahat ng sektor, ang Land Transportation Office (LTO) ay magsasagawa ng FREE Theoretical Driving Course (TDC) 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐁𝐀𝐄 na aplikante ngayong pagdiriwang ng 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡,” saad sa Facebook post ng ahensya.

Paalala pa, “Ang bawat batch ng nasabing kurso ay makatatanggap lamang ng singkwentang (50) aplikante.”

Ang 15-hour program ay isa sa mga requirement upang makakuha ng Student Permit bago ang non-professional driver’s license. 

Sa kursong ito, matututunan ang mga sumusunod:

Organisasyon at operasyon ng LTO

Mga kinakailangan at proseso sa pagkuha ng lisensya

Mga batas-trapiko at regulasyon

Defensive driving at disiplina sa kalsada

Tamang kasanayan sa pagmamaneho

Paano mag-park, umiwas sa disgrasya, at humarap sa basic car problems

Para makasali sa libreng driving course, magsasagawa ang LTO Central Office ng libreng seminar mula Marsch 11 hanggang 14.

Ngunit kung hindi ka makakakuha ng slot, marami ring regional LTO offices ang mag-aalok nito sa buong buwan.

Ang iba pang requirements ay dapat babae at may edad 16 pataas, magdala ng mga PSA Birth Certificate, National ID (kung mayroon), Marriage Certificate (para sa mga may asawa), Notarized Parent Consent (para sa menor de edad) at photocopy ng Guardian’s ID na may 3 pirma, at original Certificate of Indigency mula sa Barangay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan pa sa mga dapat tandaan ay kailangang personal na dumalo sa seminar, magsuot ng angkop na kasuotan (bawal ang sleeveless, tsinelas, at shorts), at magdala ng ballpen at snacks. 

Bago sumali, gumawa rin ng account sa portal@lto.gov.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending