Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee | Bandera

Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee

Reggee Bonoan |May 23,2023
facebook
share this

Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee

Reggee Bonoan - May 23, 2023 - 02:19 PM

Kilalang singer walang utang na loob, pati TV host-producer na tumulong sa kanya noon tinaga sa talent fee

“NU’NG kasikatan niya, sobrang tayog, ayaw niya magpatawad sa talent fee niya, e, sino ba ang malaking naitulong sa kanya?”

Ito ang kuwento ng TV host-producer tungkol sa isang singer na bida sa blind item natin ngayon.

Gumagawa pa lang ng pangalan noon ang singer nang makilala niya ang TV host-producer na todo suporta sa kanya. Lagi rin siyang laman ng pahayagan noon dahil na rin sa koneksyon ng TV host at producer.

Kaliwa’t kanan na ang naging raket ng singer na umabot pa sa iba’t ibang bansa at umingay din naman ang pangalan niya.

Hanggang sa imbitahan siya ng TV host-producer sa isang show out of town at laking gulat ng taong malaki ang naitulong sa karera niya dahil nagturing ito ng malaking talent fee at walang tawad-tawad.

“Natigalgal ako sa narinig ko, parang ako ito, ha? Hindi naman kita ililibre, pero ‘wag naman ‘yung gastos ng buong show, e, napunta lang sa talent fee niya,” hinaing ng TV host-producer.

Hindi na kinuha ang serbisyo ng singer at simula no’n ay lumayo na ang loob ng TV host sa singer hanggang sa dumating ang panahong lumamlam na ang karera ng mang-aawit.

May show ang singer at humihingi ng tulong sa TV host-producer na sana’y bigyan siya ng slot na mag-guest sa show nito, pero tumanggi ang staff dahil puno raw sila lagi at hindi kayang isingit kahit limang minuto.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Nagsabi na lang ang staff ng TV host-producer na magpadala na lang ng release at babanggitin na lang sa show pero hindi naman nagpadala ang singer.

Natuloy naman ang show ng singer pero ayon sa production na humawak ay hindi naman soldout.

“Magaling naman talaga siya, kaya lang may attitude, eh. Ganu’n yata talaga kapag sumisikat, nakalilimot na sa mga taong nakatulong,” tsika ng TV host-producer.

Sa kasalukuyan ay naghahanap ng raket o gigs ang singer kaya naalala nito ang mga kaibigan noong nagsisimula siya, pero isa-isa na pala silang bumitaw.

“Sabi ng friends niya, itse-check kung puwede siyang bigyan ng slot sa series of shows nila sa ibang bansa,” kuwento ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!

Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending