Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte | Bandera

Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte

Reggee Bonoan |January 16,2022
facebook
share this

Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte

Reggee Bonoan - January 16, 2022 - 05:26 PM

PINAGPAPALA talaga ang taong marunong makisama, walang ere, hindi reklamador sa trabaho, kahit na anong role ay okay sa kanya at bonus factor pa na mahusay umarte at maganda.

Ang tinutukoy namin ay ang kilalang aktres na kahit may kamahalan ang kanyang talent fee ay siya pa rin ang gusto ng movie producer at direktor dahil magaang kasama.

Ang senaryo kasi ay medyo nagtitipid ang line producer ng kilalang movie outfit para sa pelikulang gagawin nila at okay na ang casting, leading man na lang ang hinihintay ang sagot.

Hindi naman nakaugalian ng movie producer na mag-usisa ng casting ng pelikula niya pero nakatihan niyang magtanong at nang i-present na sa kanya ay kaagad niyang tinanggihan ang leading lady kahit na sikat at mas mababa ang talent fee nito kumpara sa kilalang aktres na bida sa blind item na ito.

Ayon daw sa movie producer, “Mas okay na si ____ (kilalang aktres na mahal ang talent fee) kahit mahal kunin n’yo. Never siyang naging sakit ng ulo sa mga naging project niya sa amin. 

“Okay naman si _____ (leading lady na mas mababa ang talent fee) kaso napasama na ‘yan dati sa _____ (titulo ng pelikula) may pagka-demanding, ayaw ko ng ganu’n. Ang daming hinihingi.”

Nakarating pala kasi dati sa movie producer ‘yung demand ng leading lady noon kung ano ang gusto niyang pagkain at pati ang kuwarto niya ay dapat may sariling TV, refrigerator, microwave at coffee maker dahil hindi raw siya lumalabas ng kuwarto maliban na lang kung magsu-shoot na.

Dagdag tsika pa sa amin, “Gusto niya ang food niya bagong luto para hindi na niya i-microwave. E, siyempre pag catering naman sabay-sabay ise-serve sa artists di ba, hindi naman ‘yung pagkaluto, e, ibibigay na agad. Gusto niya nakikita niyang umuusok pa.”

In fairness may dalang sariling brand ng kape at meryenda kaya hindi na siya hinahatiran. Sa meals lang siya mapili kaya kakaiba lagi at gusto umuusok na ipapasok sa kuwarto niya.

Ang kilalang aktres na may kamahalan ang talent fee ay walang angal kahit na anong ihain, walang demands kaya mismong staff na ang nagtatanong kung ano ang gusto niya pero ang laging sagot niya ay, “I’m good, ‘wag n’yo ako alalahanin, thank you.”

So, alam na kung bakit mas type ni movie producer si aktres na may kamahalan ang talent fee, kasi nga hindi siya dagdag alalahanin sa production staff.

Mama Loi napa-‘Whaaaat?!’ sa talent fee ni Bea Alonzo

Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending