Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya! | Bandera

Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!

Reggee Bonoan |December 08,2021
facebook
share this

Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!

Reggee Bonoan - December 08, 2021 - 05:11 PM
Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!

TRULILI kaya na tumaas bigla ng 300% ang talent fee ng biglang sikat na singer dahil kaliwa’t kanan na ang imbitasyon sa kanya hanggang sa
ibang bansa?

Nagulat ang concert producer na gusto uling kunin ang serbisyo ng biglang sikat na singer ngayon at dadalhin niya sa ibang bansa dahil most requested daw ito ngayon.

Pero laking gulat niya na sobrang taas ng talent fee gayung noong kinuha niya ito bago magkaroon ng COVID-19 pandemic ay napakamura pa.

Naiintindihan niya kung magtataas ng talent fee pero hindi niya sukat akalain na ang dating ibinigay na presyo sa kanya noon ay tumaas ng triple.

“E, di kukunin ko na lang si ____ (sikat na singer at kumikita ang shows) kesa sa kanya. Grabe! Ano na ba napatunayan niya?

“Puro online palang siya napapanood, ah? Wala pa naman siyang solong show?” katwiran ng concert producer na kausap namin.

Tinanong namin kung kanino ba nagtanong ang concert producer, “Sa kausap ko dati noong unang kuha ko sa kanya.”

Sa pagkakaalam kasi namin ay may manager na ngayon ang biglang sikat na singer at na-package na siya ng maganda kaya tumaas na ang talent fee niya.

Ganu’n naman talaga kapag nagkaroon na ng legit na manager at na-package ng maganda ang isang celebrity.

Tiyak na sobrang taas na ang talent fee dahil ilang beses din namin itong naranasan since nasubukan din naming mag-produce noon ng shows.

Pero nangako ang kausap naming concert producer na hindi na niya kukunin ang biglang sikat na singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Chika:
Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending