Producer tinanggihan ang pelikula ng artistang nakatrabaho noon
![Producer tinanggihan ang pelikula ng artistang nakatrabaho noon](https://bandera.inquirer.net/files/2024/12/WhatsApp-Image-2024-10-12-at-11.08.21.jpeg)
blind item
HINDI naging interesado ang executive ng isang movie outfit na i-distribute ang pelikula ng artistang dati nilang nakatrabaho.
Bukod dito, hindi rin naman daw nagkaroon ng chance na maging close ang celebrity at producer kaya dedma na.
Tila naghahanap kasi ang producer ng pelikula ng mga artistang bida sa project na base sa napanood naming teaser ay okay naman at sana nga’y kumita.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay may kausap na ang producer ng pelikula at nabuhayan siya ng loob dahil okay na ito at sa katunayan ay hinahanapan na raw ng playdate.
Sa kasalukuyan kasi ay puno na ang mga napiling petsa dahil sa rami ng Hollywood films na ipalalabas sa bansa.
Baka Bet Mo: ‘Maraming indie directors ang nakatengga ngayon dahil choosy na ang mga producer’
“Okay na rin sa producer na maghintay, at least may distributor na siya,” sabi ng aming source.
Dagdag pa niya, “Abangan din natin kung kikita, pero sana kumita, suportahan ang local films.”
Baka naman kumita lalo’t may supporters naman ang mga bida.
* * *
Ang Fire and Ice Media ay isa sa kalahok sa 75th Berlin International Film Festival at European Film Market na nagdadala ng mga kuwentong Pilipino sa global stage.
Magkita-kita tayo sa Martin Gropius Bau (venue ng exhibition). Ang ilan sa mga pelikulang dala ng Fire and Ice Media ay ang mga sumusunod.
Ang “Motherland” mula sa direksyon ni Brillante Mendoza starring Cesar Montano, Marvin Agustin, Rocco Nacino, Ricky Davao, Mon Confiado, Joem Bascon at Gina Alajar.
Kasama rin ang pelikulang “Crosspoint” na collaboration ng Pilipinas at Japan na pagbibidahan ni Carlo Aquino at ng Japanese actor Takehiro Hira supported by Dindo Arroyo, Ian De Leon, Sarah Abad at Japanese actors mula sa direksyon ni Donie Ordialles.
Ikalawang pelikula ni Brillante Mendoza film na nakasama rin ay ang “MORO” na pagbibidahan naman nina Piolo Pascual, Joel Torre, Laurice Guillen, Baron Geisler, at Chrisropher de Leon.
Pangatlong entry ni Brillante Mendoza ang pelikulang “Pula” na pinagbibidahan nina Coco Martin, Julia Montes at Raymart Santiago.
Kasama rin ang pelikulang “Apag” mula pa rin kay Brillante Mendoza na pagbibidahan ulit ni Coco Martin kasama sina Gladys Reyes, Gina Pareno, Jacklyn Jose, Merdedes Cabral, Shaina Magdayao, Sen. Lito Lapid at iba pa.
Ang “Sweet Escape” ay mula sa direksyon ni Rommel Ricafort na pagbibidahan nina Arci Muñoz, Korean actor Kang Dong Gun, Matet de Leon at iba pa.
Next ang “Selda Tres” ni GB Sampedro starring JM De Guzman, Cesar Montano, Carla Abellana, Kier Legaspi, Victor Neri at marami pang iba.
Ang “Blue Imagine” naman ay isang Japanese movie na tungkol sa biktima ng rape na idinirek ng Japanese actress and filmmaker na si Urara Matsubayashi na pagbibidahan ni Mayu Yumaguchi at isa sa producer si Ms. Liza Dino.
At ang “Las Shadow at First Sight” na idinirek ni Nicole Midori Woodford, kuwento ng 17 year old Singaporean girl na bumiyahe pa-Japan para hanapin ang nawawalang ina at doon nagsimula ang malungkot nitong kuwento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.