Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor | Bandera

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Reggee Bonoan |September 29,2021
facebook
share this

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Reggee Bonoan - September 29, 2021 - 05:54 PM

MALINAW na sa amin kung bakit naghiwalay ang sikat na aktres at sikat na aktor na masasabing perfect couple talaga.

Botong-boto sa kanilang dalawa ang buong taga-showbiz kaya iisa ang tanong ng lahat nang nauwi rin sa wala ang maganda nilang relasyon, ano’ng nangyari?

Tahimik lang ang break-up ng dalawa dahil ilang buwan na pala silang hiwalay bago ito pumutok sa media dahil sadya nila itong itinago.

Masasabi naming napakabait ng aktor dahil kahit kasalanan ng kanyang ex ang paghihiwalay nila ay pinrotektahan pa rin niya ito.

Magkasama na pala sa iisang bahay ang dalawa kaya bawa’t galaw, kilos at pupuntahan ay alam ng bawa’t isa.

Isang araw ay nagpaalam sa aktor si aktres na may aasikasuhin sa labas ng bansa at kasama naman ang ilang kaibigan na kasosyo sa negosyo kaya pinayagan naman.

Pero dahil sa teknolohiya ay nabuking si aktres na may ibang kasamang aktor na nag-dinner lang naman sa isang sikat na hotel.  Nakunan siya ng paparazzi at ipinadala sa karelasyong aktor.

Tahimik na tao si aktor at hindi siya confrontational kaya hindi niya tinawagan ay hindi niya inistorbo ang aktres na noo’y ang saya-saya habang kausap ang aktor na matagal na pala niyang pinapantasya.

Hanggang sa nakauwi na ang aktres sa love nest nila ng karelasyong aktor ay hindi pa rin siya sinita, maayos pa rin siyang kinakausap.

At isang araw ay nag-set ng dinner si aktor para sa kanila ni aktres at dito na ipinakita ng una ang mga larawang ipinadala sa kanya noong nasa ibang bansa ang karelasyon at may ibang kasamang lalaki.

Nagulat ang aktres at humingi ng tawad at sinabing nag-usap lang sila at wala namang ibang nangyari. 

Pinatawad naman ni aktor ang aktres pero ang final decision niya ay maghiwalay na sila at hindi siya hadlang kung itutuloy ng ex-gf ang kung anumang meron sila ng aktor na kasama niya sa ibang bansa.

Maayos silang naghiwalay at magkaibigan pa rin kaya pala nagtataka ang lahat na maganda pa rin ang relasyon nila kahit hiwalay na.

Si aktor ang sinisisi ng lahat pero si aktres pala ang nagkamali.

Tungkol naman sa aktor na nakasama ng aktres sa ibang bansa ay wala naman silang naging ugnayan na, marahil ay nagkahiyaan na sila dahil sa silent scandal na nangyari sa dalaga at sa ex-boyfriend niya na nasaktan niya nang husto.

Sa kasalukuyan ay nananatiling walang karelasyon ang aktor dahil ang gusto niya, ang susunod na babae sa buhay niya ay ang makakasama na niya habambuhay kaya siguro nag-iingat at namimili nang husto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si aktres ay nakadalawang boyfriend na pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending