Pang-asar ni Brenda Mage sa mga 'Marites': Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako | Bandera

Pang-asar ni Brenda Mage sa mga ‘Marites’: Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako

Ervin Santiago |March 27,2022
facebook
share this

Pang-asar ni Brenda Mage sa mga ‘Marites’: Opo, miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako

Ervin Santiago - March 27, 2022 - 07:01 AM

Brenda Mage

Brenda Mage

KAYA raw biglang nagdesisyon ang Kapamilya comedian na si Brenda Mage na layasan na ang mundo ng showbiz dahil wala na siyang natatanggap na mga projects.

Ito’y may koneksyon umano sa mga kinasangkutan niyang isyu at kontrobersya nang maging celebrity housemate sa season 10 ng “Pinoy Big Brother”.

Kamakailan in-announce ni Brenda sa madlang pipol sa pamamagitan ng kanyang social media account na magku-quit na siya sa showbiz at babalik na sa Cagayan de Oro.

Sa latest Instagram post ng komedyante, ipinakita niya sa kanyang followers kung gaano siya kasaya ngayon sa buhay-probinsya.

“Lagi mong piliin kung saan ka masaya!” aniya sa caption.

Sa isa pa niyang post, naglabas naman ng saloobin si Brenda tungkol sa mga netizens na patuloy na nangnenega sa kanya at nagsasabing wala nang nag-o-offer sa kanya ng trabaho kaya umuwi na lang siya sa probinsya.

“Sa lahat ng nagsasabi na kaya ako umuwi ng probinsya kasi nga wala na daw ako project kaka-chismosa ko at Marites ko sa PBB, kung puwede lang i-post yung mga screenshot ng mga tinanggihan kong mga project and guesting, ayoko na lang makialam.

“Kahit na may mga offer sa iba’t ibang istasyon, hindi naman ako nagmamalaki na tinanggihan ko pero dahil madaming nagsasabi na wala daw akong project after ng PBB… kung alam niyo lang. Ayoko na talaga ng lock-in,” paliwanag ng komedyante.

May post din siya tungkol naman sa mga nagsasabing dahil daw sa mga sablay at pagkakamaling nagawa niya sa loob ng Bahay ni Kuya kaya siya nawalan ng raket.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Sabi ni Brenda Mage 10 years na siya sa showbiz ngayong buwan ay desisyon niya na magpahinga na sa pagiging artista kahit na may mga bagong offer sa kanya ang iba’t ibang TV networks.

“Hello sa lahat ng mga bashers diyan. Oh my God ang dami kong nababasa sa mga post ko na kaya ako umuwi ng probinsya at nag-quit sa showbiz because of sa lahat ng mga pinakita kong kamalditahan sa loob ng Bahay ni Kuya.

“At buti nga raw sa akin at natanggal ako sa showbiz kasi nga nahihirapan ako sa buhay ko dahil sinuka na ako ng showbiz. Well, I have my friends here from Manila, nagbabakasyon kami dito.

“Kasi mas masaya pag totoo yung mga kasama ko and with my family. Nakatmbak yung mga gamit namin dito kasi alam niyo isang dekada na rin akong nag-ipon. Last ko na kasi yung pagpasok sa PBB.

“That was my last dream na natupad at yun yung sinasabi niyong sumira sa akin at sinira ko yung sarili ko dun? Well okay na ako. Fulfilled na ako,” paliwanag ni Brenda.

Sa katunayan, ipinagagawa na niya ang kanilang bahay sa probinsya na nasira dahil sa bagyong Odette at balak din niyang magpagawa pa ng isa para naman sa kanyang sarili.

“Magpapatayo naman ako ng bahay para sa buhay ko. And thank you so much nga pala para sa mga boto niyong BBE. Ha-hahaha! At least nakapagpagawa na ako ng bahay.

“It’s time to redeem myself here with the real people. You don’t know anything about me and about everything. At sa lahat ng mga bashers, I know you’re happy. Ha-hahaha! Kasi happy ako.

“Thank you sa lahat ng mga opinions niyo, sa lahat ng mga comments niyo, sa mga sinasabi niyo. Opo miserable na ang buhay ko sa probinsya, naghihirap na ako. Gusto ko i-post lahat ng nag-me-message sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami kong guestings, ang dami kong mga inayawan. Ayoko na magsalita kasi kailangan niyo yata i-prove pa yan. Well anyway, wala naman kayong alam. Sana happy kayo kasi happy ako,” dagdag pang paliwanag ni Brenda Mage.

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Brenda Mage, nag-alala sa pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette: Babalik na naman po sila sa umpisa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending