Lolit Solis bet na bet si Andrea Brillantes: Hindi siya duwag

Lolit Solis bet na bet si Andrea Brillantes: Hindi siya duwag

Therese Arceo |January 03,2024
facebook
share this

Lolit Solis bet na bet si Andrea Brillantes: Hindi siya duwag

Therese Arceo - January 03, 2024 - 08:31 PM

Lolit Solis bet na bet si Andrea Brillantes: Hindi siya duwag

SUPER aliw ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil sa pagiging totoo nito.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan ng dalaga kalakip ang mensahe ng paghanga niya para rito.

“Talagang natutuwa ako kay Andrea Brillantes Salve. Iyon mga ginagawa niya na shocking para sa iba, I find it cute,” panimula ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Very upfront siya, basta gusto niya gawin, ginagawa niya. Hindi siya tulad ng ibang artista na takot na baka mapintasan.”

Chika pa ni Lolit, kung ano raw ang consequence na kanyang ginawa ay kanya ring hinaharap.

“Hindi siya duwag na itinatago ang ginagawa. Para sa kanya kung anuman gawin niya, paninindigan niya,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes: Tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa kay Lolit, sobrang natural rin daw ang pagiging matapang nito sa kanyang mga napagdaraanang isyu.

“Very natural ang tapang niya sa issues. Kaya naman na overshadow niya mga stars na prim and proper na kung minsan lumalabas tuloy na plastic.

“Being honest to yourself , iyan ang mantra ni Andrea Brillantes. Kaya bongga siya,” dagdag pa ni Lolit.

Payo pa niyasa dalaga, “Ituloy mo lang iyan Andrea, basta wala kang ginagawang masama, go for it. Bongga.”

Buhat nang masangkot sa isyu si Andrea nang masangkot ito sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isa si Lolit sa mga taong may magagandang komento ukol sa dalaga.

Last month lang nang magpost siya ukol sa nabalitaan niyang marami ang bumabatikos sa kanya sa pagpuri kay Andrea.

“Kaloka talaga na parang national disaster ang break up ng Kathniel, Salve. Pero lalo ako naloka ng may magsabi sa akin na bina bash daw ako dahil mas pinupuri ko daw si Andrea Brillantes kesa kay Kathryn Bernardo,” pagbabahagi ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una nang nagsabi ang talent manager noon na naaawa siya sa aktres dahil sa mga isyung obinabato laban rito.

Naibahagi rin niya na personal siyang sinadya ng ina ni Andrea sa kanyang bahay para iabot ang Christmas gift nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending