Lolit Solis nabigla, ina ni Andrea Brillantes may paregalo?

Lolit Solis nabigla, ina ni Andrea Brillantes may paregalo?

Therese Arceo |December 22,2023
facebook
share this

Lolit Solis nabigla, ina ni Andrea Brillantes may paregalo?

Therese Arceo - December 22, 2023 - 03:20 PM

Lolit Solis nabigla, ina ni Andrea Brillantes may paregalo?
HINDI inaasahan ng talent manager na si Lolit Solis na makatatanggap siya ng regalo mula sa ina ng aktres na si Andrea Brillantes.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang pagiging senti sa natanggap na regalo ngayong Kapaskuhan.

“Salve talagang getting older makes you more sentimental. Lalo na sa isang tulad ko na active pa nga sa showbiz pero mas close sa mga senior stars kesa sa mga bagong lumalabas na mga youngstars,” panimula ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Iyon nagugulat pa nga ako ng padalhan ako ng fruits and flowers nila Jane de Leon at Belle Mariano. At lalo akong magulat kung sa napakalayong bahay ko sa Fairview ipahahatid.”

Ngunit ang mas ikinagulat ni Lolit ay ang pagpunta mismo ng ina ni Andrea sa kanilang bahay para personal na ihatid ang regalo.

“Naloka ako ng magising ako at sabihin ni Mel na pumunta ang mother ni Andrea Brillantes sa bahay para maghatid ng regalo.

Baka Bet Mo: Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes: Tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Never pa kami nag meet ni Andrea Brillantes o nag usap sa phone. Kaya naman nagulat ako na nakapunta sa bahay ko napakalayo ng mother niya. Sobra appreciation ko na nagawa nila ito,” pagbabahsgi ni Lolit.

Aniya, hanga raw siya sa naging ugali ni Andrea na very transparent at walang pake sa sasabihin ng iba.

Chika ni Lolit, “Kasi nga mas gusto ko ang mga tao na unconventional, hindi iyon sumusunod lang sa rules ng society dahil nag iingat sa image nila.

“Basta ang mantra mo sa buhay kahit medyo selfish iyon dapat mauna iyon gusto mo, iyon kung saan ka happy. You owe it to yourself first bago sa iba, hindi ba Salve at Gorgy? Kaya humanga ako kay Andrea dahil sa ganuon niyang attitude.”

At gaya nga ng laging sinasabi ni Lolit, naniniwala siya na isa ang dalaga sa mga hottest stars ngayon basta lagi lang itong maging propesyunal ay maging mahusay sa pakikisama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya maapektuhan ng mga tsismis at intriga dahil very open siya sa kanyang ginagawa. So be it, hintayin lang natin at makikita natin na tama ang prediction ko.

“Lalo pa nga at very supportive ang mother niya sa career ng anak niyang si Andrea. Thanks again and Merry Pasko Andrea Brillantes and family. Bongga,” sey pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending