Wish ni Lolit Solis kay Paolo: Matagpuan na ang kanyang forever!

Wish ni Lolit Solis kay Paolo: Matagpuan na sana niya ang kanyang forever!

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Wish ni Lolit Solis kay Paolo: Matagpuan na sana niya ang kanyang forever!

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 03:45 PM

Wish ni Lolit Solis kay Paolo: Matagpuan na sana niya ang kanyang forever!

Lolit Solis, Yen Santos at Paolo Contis

UMAASA ang talent manager na si Manay Lolit Solis na magtutuluy-tuloy na ang pagbabago ng kanyang alagang si Paolo Contis.

Natutuwa ang dating TV at online host sa nakikita niyang “good signs” when it comes to personal life at showbiz career ng Kapuso actor.

Pero kasabay ng pagpuri niya sa aktor, ni-real talk din niya ito pagdating sa usaping lovelife kaya mukhang may hugot na naman dito si Manay Lolit.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post ang matapang at palabang talent manager patungkol kay Paolo kung saan sinabi nito ang isa niyang wish para sa aktor.

Feeling ni Manay Lolit, gumaganda na ang “financial standing” ng isa sa mga host ng GMA noontime show na “Eat Bulaga” base na rin sa mga pagbabagong nakikita niya sa aktor.

Baka Bet Mo: Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

“Alam mo ba Salve na very happy ako ngayon kay Paolo Contis. Kasi nga kitang kita ko dedication niya sa sa trabaho, plus mukhang maganda ngayon financial standing niya,” simulang pahayag ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Humingi ako sa kanya ng cellphone para kay Gorgy at kaagad niyang ibinigay.

“Sana nga maayos na niyang naha handle ang pera niya para maayos narin niyang matupad ang pangarap niyang makabili ng bahay,” chika pa ni Manay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Kasunod nito, nabanggit nga niya na isa raw sa mga hinihiling niya para kay Paolo ay matagpuan na sana nito ang kanyang  “forever” na makakasama niya for the rest of his life.

“At isa pang dream ko para sa kanya ay matagpuan na niya sana ang babae na magiging forever niya.

“Iyon ang kailangan ni Paolo Contis isang partner na magiging matibay niyang sandalan sa mga moments na medyo dumidilim ang paligid niya.

Baka Bet Mo: Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

“Paolo Contis is such a good person kaya tiyak ko matatagpuan din niya lahat ng kailangan niya sa buhay na masaya at tahimik,” lahad pa ng veteran entertainment columnist.

Ang sabi pa ng talent manager, mukhang hindi pa talaga ganap ang maturity ni Paolo pero ilalaban daw niya ang kasipagan nito at pagiging professional sa trabaho.

“Si Paolo Contis ang isang tao na getting older but refusing to grow up dahil hangga ngayon hindi pa ganap ang maturity para maging very responsible sa kanyang mga desisyon.

“But slowly he is getting there. Makikita mo na sa kanyang dedication sa trabaho. Keep growing up Paolo Contis, dahil mabait ka, sure ako mararating mo at makukuha lahat ng dream mo. Bongga,” ang chika pa ni Manay Lolit Solis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay mariing sinabi ni Paolo na maayos at masaya pa rin ang relasyon nila ni Yen Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending