Sey ni Paolo Contis: Mahaba pa ang laban... legally wala pang final

Sey ni Paolo Contis: Mahaba pa ang laban… legally wala pang final

Therese Arceo |December 06,2023
facebook
share this

Sey ni Paolo Contis: Mahaba pa ang laban… legally wala pang final

Therese Arceo - December 06, 2023 - 06:44 PM

Sey ni Paolo Contis: Mahaba pa ang laban... legally wala pang final

Paolo Contis

USAP-USAPAN ngayon ang TV host-actor na si Paolo Contis matapos ang kanyang pahayag sa opening ng noontime show na “Eat Bulaga”.

Sa live broadcast ng noontime show ngayong araw, December 6, nagsalita ang TV host-actor tungkol sa naging desisyon ng Intellectual Property Office (IPO) na kanselahin ang trademark registration ng TAPE Inc., ang producer ng naturang longest running show.

“Simple lang ang gusto kong sabihin para sa ating mga Kapuso. Mga Kapuso, mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin, legally, wala pang final. Okay?” saad ni Paolo.

“Pero ito lang po ang pangako namin, anuman ang mangyari, ang nasimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy lang po namin araw-araw dahil yun lang po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw.

Baka Bet Mo: Paolo Contis binabagyo ng blessings habang tinitira ng mga bashers

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kayo po ang dahilan kaya nandito kami,” pagpapatuloy ni Paolo.

Sinundan naman siya ni Winwyn Marquez at sinabing, “Kaya tuloy ang Pasko na pinakamasaya.”

“Dito lang yan sa tahanang pinakamasaya!” sey naman ni Betong.

Pabirong sabi naman ni Paolo, “Teka, teka, hindi yan ang title natin,” at sabay sabay nilang sinigaw ang “Ito po ang Eat Bulaga!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang isa nitong Martes nang ilabas ng IPO ang kanilang desisyon na kanselahin ang naging trademark registration ng TAPE Inc. sa titulong “Eat Bulaga” at napatunayang sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang tunay na lumikha sa pinag-aagawang titulo na “Eat Bulaga” at “EB”.

At mula nga ng iwan nina Tito, Vic, at Joey at iba pang Dabarkads ang TAPE Inc., ay isa na si Paolo kasama sina Isko Moreno, Buboy Villar,Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Betong Sumaya, at marami pang iba ang pumalit na mga hosts upang ipagpatuloy ang show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending