Andrea Brillantes ayaw pagsalitain ng production kaya tahimik?

Andrea Brillantes ayaw nga bang pagsalitain ng production kaya tahimik?

Therese Arceo |December 21,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes ayaw nga bang pagsalitain ng production kaya tahimik?

Therese Arceo - December 21, 2023 - 09:06 PM

Andrea Brillantes ayaw nga bang pagsalitain ng production kaya tahimik?

Andrea Brillantes

ILANG linggo na rin ang nakalilipas buhat nang madawit ang pangalan ni Andrea Brillantes sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngunit kahit na halos isang buwan na ang nakalilipas ay tila tikom pa rin ang bibig ng dalaga sa akusasyon ng madlang pipol na siya ang diumano’y dahilan kung bakit naghiwalay ang KathNiel matapos ang 11 years nilang relasyon.

Maski ang talent manager na si Ogie Diaz ay iniisip kung bakit hindi pa rin pinagtatanggol ni Andrea ang sarili kung wala namang katotohanan ang mga kumakalat na chika.

Sa katunayan, isa ang dalaga sa naging topic nila sa isa sa kanilang episode ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Napansin kasi ng mga ito na noon namang naghiwalay sila ng basketbolistang si Ricci Rivero ay nakapaglabas naman si Andrea ng pahayag ukol sa pangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes ‘healing’ at ‘growth’ ang wish sa 2024

Ngunit ngayon ay kahit na anong bato sa kanya ng isyu ay ponipili pa rin niya ang manahimik.

Hinuha ni Ogie, maaaring pinipigilan si Andrea ng production o ng kanyang management lalo na’t maganda ang takbo ng kanyang teleserye na “Senior High”.

“At saka siguro, hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production, Ng mga may kinalaman sa kanyang career. Kasi nga whatever she says, ganun pa din. Makakakita’t makakakita pa rin ng mali ‘yung mga tao,” sey ni Ogie Diaz.

Sa kabila naman ng mga isyung kinakaharap ni Andrea ay puring-puri naman ng talent manager ang kanyang kahanga-hangang pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending