Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

- December 09, 2023 - 02:07 PM

Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

Xian Gaza, Mabel Gorostiza, at Andrea Brillantes

PINALAGAN ng social media personality na si Xian Gaza ang naging pahayag ng ina ni Andrea Brillantes tungkol sa kung paano niya pinalaki ang kanyang anak.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral ang sagot ni Mabel Gorostiza nang tanungin siya kung paano niya pinalaki si Andrea na kasalukuyang nasasangkot sa hiwalayang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.

Hindi naman napigilan ni Xian na sagutin si Mommy Belle na ibinanderang si Andrea ang nakapagpatayo ng kanilang bahay at nakapagpaaral ng kanyang mga kapatid.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: ‘Yung isipan lang po natin ang malaswa

Aniya, hindi raw ito nakaka-proud lalo na’t hindi naman dapat si Andrea ang gumagawa ng mga bagay na ‘yun.

“Mommy Belle, hindi ka po dapat proud na si Andrea ang nakapagpagawa ng bahay niyo at nakapagpatapos ng mga anak mo sa school. Kasi kapag ipinagsigawan mo po ito eh para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko,” saad ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko po kayo maaaring husgahan dahil hindi ko po alam ang buong kwento ng inyong pamilya.”

Baka Bet Mo: Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres

Bandera IG

Pagpapaalala ni Xian, dapat ay mag-ingat ang bawat isa sa mga binibitiwang salita at huwag magpadala sa bugso o silakbo ng damdamin.

Pinaalala pa niya sa madlang pipol na responsibilidad ng mga magulang ang pag-aralin at bigyan ng maayos na buhay ang mga anak.

Sey ni Xian, “To the public, responsibilidad ng isang magulang na mapagtapos kayo hanggang grade 12. Bonus na lang yung college. Responsibilidad din nito na mabigyan kayo ng maayos na tahanan.”

Baka Bet Mo:  Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Nag-remind rin ito sa mga anak na hindi nila responsibilidad ang mga kapatid pero ok lang ang tumulong out of love.

“Hindi niyo responsibilidad yung mga kapatid ninyo. Tumutulong lang kayo sa kanila out of pagmamahal. At kung natulungan nila kayo, ayan ay tinatawag na utang na loob,” sabi ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Giit pa niya, “Huwag niyo silang abusuhin. Hindi nila kayo obligasyon. Hindi nila kasalanan kung bakit hindi makapag-provide ng maayos yung mga magulang niyo. Mahigpit na yakap sa lahat ng mga Ate at Kuya na breadwinner ng pamilya!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending