Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol...'

Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa!’

Pauline del Rosario |October 23,2023
facebook
share this

Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa!’

Pauline del Rosario - October 23, 2023 - 12:08 PM

Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa!’

Xian Gaza, Chito Miranda

MAY nakakalokang panawagan ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza para sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Paano ba naman kasi, pinaaamin niya si Chito sakaling may anak daw ito sa labas.

Caption ni Xian sa isang Facebook post, “Chito Miranda baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa.”

Ang naging pahayag na ‘yan ng social media personality ay matapos mag-viral ang biglaang paglantad ng naging secret relationship ng dating flight attendant na si Abegail Rait sa Master Rapper na si Francis Magalona, pati ng kanilang anak na si Gail Francesca.

Makikita sa comment section, ang naging paliwanag ni Xian kung bakit niya pinayuhan ng ganito si Chito.

Ayon sa kanya, natatakot lang siya para sa bokalista na baka in the future daw ay baka may magsamantala at gamitin lang daw ang pangalan at kasikatan niya para lang sa clout-chasing.

“Ang hassle lang po kasi sa part ni idol Francis M, hindi niya maipagtanggol ‘yung sarili niya sa bashing,” sey ni Xian.

Baka Bet Mo: Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

Sambit pa niya, “Imagine siya po ay nasa kabilang buhay na, pero nagamit pa siya ng ex niya sa clout-chasing for fifteen years nanahimik ka ba’t ‘di mo pa ginawang fifty.”

“Imbis na pakitaan mo kami ng DNA test result eh pinakanta mo ‘yung bata hypecca,” patuloy niya.

Mensahe pa niya sa OPM artist, “Natatakot lang ako for you idol Chito kasi baka one day biglang may lumabas na babae claiming na may anak kayo tapos biglang mag-rap ng ‘Bagsakan’ ‘yung bata.”

Ipinahiwatig din ng socmed personality ang kanyang concern sa misis ni Chito na si Neri Naig at sinabing, “Ang hassle lang sa part ni Neri kung wala ka na idol. Kaya ngayon pa lang, sana habang hindi pa huli ang lahat atin-atin lang hindi makakalabas.”

Tila naging mabenta naman ang naging post ni Xian sa madlang pipol dahil puro laugh react lang ang makikita sa kanyang post.

As of this writing, umabot na sa halos 95,000 ang nag-laugh at mahigit 3,600 na ang nag-share.

Hanggang ngayon, wala pang reply o tugon si Chito sa naging panawagan ni Xian sa kanya.

Magugunita na ang “Pinoy Pawn Star” vlog ni Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo ang naging daan upang maisiwalat ni Abegail ang sikretong matagal na niyang tinatago.

Nagbenta si Abegail ng memorabilia (isang jersey) ni Francis M kay Boss Toyo at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa past nila ng Pinoy icon.

Ayon kay Abegail, mahigit isang dekada rin silang nanahimik ng kanyang anak na pinangalanan niyang Gail Francheska na isinunod din daw sa pangalan ni Kiko.

Matapos nga mag-viral, nagpasalamat ang dating flight attendant kay Boss Toyo dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na ikwento ang kanilang storya.

Tuwang-tuwa rin si Abegail dahil nabigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na maging bahagi ng legacy ng Master Rapper.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending