Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: 'Yung isipan lang po natin ang malaswa | Bandera

Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: ‘Yung isipan lang po natin ang malaswa

Therese Arceo |August 03,2023
facebook
share this

Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: ‘Yung isipan lang po natin ang malaswa

Therese Arceo - August 03, 2023 - 06:42 PM

Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: 'Yung isipan lang po natin ang malaswa

WALANG nakikitang masama ang social media personality na si Xian Gaza sa naging eksena ng mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng “It’s Showtime”.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa Kapamilya noontime program dahil sa umano’y malaswang pagkain ng dalawa ng icing sa harap ng mga bata sa segment ng “Isip Bata”.

Panawagan ni Xian, “Movie and Television Review and Classification Board alam ko po na yung opinyon ko ay walang bilang sa mundo pero gusto ko lang po i-express na wala akong nakikitang kalaswaan sa ginawa ni Vice Ganda at Ion Perez. Yung isipan lang po natin ang malaswa.”

Aniya, ang mga matatanda lang raw ang nag-iisip no’n at hindi raw ito maiisip ng mga bata.

“Kung babae at lalaki po silaceh hinsi niyo po yan sisilipin at iisipan m ng masama. Dini-discriminate niyo lang po sila dahil sa kanilang gender orientation,” dagdag pa ni Xian.

Baka Bet Mo: Awra Briguela nakakulong sa kasong physical injury, Xian Gaza handang magpaabot ng tulong

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Giit pa niya, hindi siya fan nina Vice at Ion kaya siya nagsasalita, sinasabi niya lang ito dahil iyon ang nakikita niya.

“Hindi po ako fan ni Vice at Ion. Binash ko pa nga sila last 2021 after mag-donate ng 500k pesos. Sinasabi ko lang po yung alm kong rama without any bias at all,” sey pa ni Xian.

“Pero hindi ko po sinasabi na mali kayo ha? Taliwas lng po yung paniniwala ko sa opinyon ngo. Maaaring mali ako,” pagpapatuloy pa niya.

Tila patutsada kay MTRCB Chair Lala Sotto ang katagang “bias” ni Xian Gaza dahil may mga tumatawag rin ng kanyang pansin na imbestigahan ang naging eksena ng kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa nagdaang National Dabarkads Day ng “E.A.T.” o ang kanilang selebrasyon ng ika-44th anniversary ng “Eat Bulaga”.

Paliwanag kasi ni Lala, wala namang masama sa ginawa ng mga magulang lalo na’t 44 years na raw ang mga itong ganito sa mga shows na pinagsasamahan ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kasalukuyan namang nasa bakasyon sina Vice at Ion sa gitna ng isyung kinakaharap.

Related Chika:
Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending