Awra Briguela nakakulong sa kasong physical injury, Xian Gaza handang magpaabot ng tulong
KASALUKUYANG nakakulong ngayon si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra Briguela sa Makati City Police Station dahil sa kinasangkutan nitong gulo sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.
Ayon sa nakakita ay hinihipuan ang mga kaibigang babae ni Awra at dahil dito ay kinausap ng aktor ang mga lalaking nanghipo umano sa mga kaibigan niya sa labas at imbes na makipag usap ay sinuntok daw siya kaya gumanti at nagkaroon ng gulo.
Nawala ang mga kaibigang babae ni Awra at iniwan siya timing naman ang mga pulis ay na-aktohan siya kaya hinuli siya at isinakay sa Patrol car patungong presinto.
Ang mga lalaki ay isinama rin at doon na nagreklamo ang mga ito at wala namang tumindig kay Awra dahil ang mga kaibigan niyang ipinagtanggol ay iniwan siya sa ere.
Kumalat na rin sa social media na nag-mug shot na si Awra at kinasuhan ng Physical Injuries.
Maraming mga kaibigan si Awra ang nagpahatid ng suporta sa kanya isa na ang social media influecer na si Zeinab Harake na talagang BFF sila at saksi kami roon nang minsang makita namin sila sa isang event sa isang bar and restaurant sa Pasig City.
Anyway, nag-post naman ang Lalaking Marites na si Xian Gaza na handa niyang piyansahan si Awra at ipadadala rin niya ang mga abogado niya.
Post ni Xian, “Awra Briguela marami akong abugado. Piyansahan kita. Magsabi ka lang.”
Kasunod nito ay ipinaliwanag niya kung bakit ito ang hinuli at ikinulong at hindi ang mga lalaking umanong nanghipo sa mga kaibigan nitong babae.
Ang paliwanag ni Xian, “Inaresto at ikinulong si Awra because that’s how the system works at wala kayong magagawa doon. Na-caught in the act siya sa kaguluhan eh. Nasa tamang due process ang mga pulis na damputin siya.
“Hindi porke ipinagtanggol niya yung mga kaibigan niyang hinipuan eh maaabswelto na siya sa kaso. Maaaring bayani siya sa paningin nating lahat pero sa mata ng batas ay wala siyang laban.
Baka Bet Mo: Awra Briguela iniwan ng kaibigan matapos ipagtanggol sa mga nang-harass sa kanya
“Bakit hindi inaresto yung mga lalaking manyak?
“Tanong ko sa inyo, nagreklamo ba sa pulisya yung mga babaeng hinipuan? Hindi naman. So paano dadamputin?
“Justice for Awra? Guys, the justice system is working properly on him. Sadyang nagkamali lang siya at nabutasan ng batas. Hindi porke trending sa social media eh maaari na siyang palayain.”
At saka binanggit ni Xian ang sarili bilang ehemplo tungkol sa mga kasong estafa na hindi naman nag-prosper
“’Yung isang kakilala ko nga, palaging trending na scammer scammer scammer pero hindi naman masampahan ng kaso kaya ang sarap ng buhay sa iba’t-ibang bansa. Ni isang estafa case ay walang nanalo. Scammer siya sa mata ng lahat pero sa mata ng batas ay wala siyang sala maliban sa 11 checks na tumalbog dahil hindi napondohan.
The same way with Awra, maaaring hero siya for all of us but the law of the land has a different perspective.
“Kahit gaano pa kalinis ang intensyon niya para sa kanyang mga kaibigan, Awra committed a crime.
“Nawa’y maging leksyon ito sa lahat ng Millennials and Generation Z out there. Kahit ano pa ang kasangkutan niyong gulo, huwag na huwag kayong magpapabutas sa batas upang hindi mangyari sa inyo ang nangyari kay Awra.”
Dagdag pa, “Masyado kayong mababaw kaya kailangan ko nang i-post ito para ma-enlighten kayong lahat. But I’m with Awra in this fight.”
Related Chika:
Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.