Awra Briguela iniwan ng kaibigan matapos ipagtanggol sa mga nang-harass sa kanya
SUNUD-SUNOD ang mga pasabog kaugnay sa dahilan ng viral videos ni Awra Briguela kung saan makikita itong nakikipagsuntukan at naposasan pa ng pulis.
Ngayong awra ay nabigla ang madlang pipol matapos ang paglabas ng videos online ng dating child star na siyang nagpainit ng ulo ng netizens lalo na ang paraan ng pagtrato ng kapulisan.
Kaya naman isa-isang nagsasalita ang mga malalapit na kaibigan ni Awra upang ipagtanggol siya laban sa mga maling kwentong kumakalat sa social media at ilahad ang tunay na kwento sa likod ng hindi magandang nangyari kaninang madaling araw.
Isa na nga rito si Jahan Visperas, pinsan ni Zeinab Harake at isa rin sa mga kaibigang matalik ng social media personality.
“Just to make this short, one thing lang ang ipag lalaban namin, Awra Briguela is a True Friend, regardless kung sino ka ipag tatanggol ka niyan,” saad ni Jahan.
Nagkataon lang daw na sa kabila ng pagtatanggol nito ay bigla na lamang siyang iniwan sa gitna ng gulo.
Baka Bet Mo: Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis
“It’s just maling tao lang ang pinag tanggol niya dahil nung nag ka gulo na, nawala na yung babaeng pinagtanggol and naiwan sya mag isa,” pagpapatuloy ni Jahan.
“Hindi lahat ng mga nakakasama mo dapat mong ipag tanggol, dahil karamihan anjan lang kapag puro saya,” dagdag pa niya sa sa tunay na nangyari kay Awra.
Nagbigay naman ng mensahe si Jahan para sa taong nang-iwan kay Awra habang ipinaglalaban siya nito.
“P.S para dun sa babaeng pinag tanggol ni awra na nawala bigla, sana masaya ka,” sey pa ni Jahan.
Sa ngayon ay wala pa ring pahayag ang kampo ni Awra hinggil sa kinasasangkutang isyu.
Related Chika:
Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.