Awra Briguela dinipensahan ng UE student council sa mga bashers
TO the rescue ang University of the East-Manila Student Council para ipagtanggol si Awra Briguela matapos ulanin ng pambabatikos online.
Marami kasi ang hindi nagustuhan ang ginawa ng komedyante matapos nitong ibandera ang kanyang pagsusuot ng school uniform na para sa mga babae.
Proud kasing nirampa ni Awra ang kanyang pananamit sa Instagram kung saan nakasuot ito ng palda.
Sa comment section ay makkitang marami sa mga netizens ang hindi sang-ayon sa kanilang nakita na pagko-cross dress ng komedyante.
Baka Bet Mo: Awra balik pag-aaral, inirampa suot na UE uniform: ‘Ituloy mo lang ‘yan!’
View this post on Instagram
“I have no issues of you being gay. But, you should wear a proper uniform according to your sexuality. Just saying. No prejudice,” saad ng isang netizen.
Talak naman ng isa kay Awra, “Are you not ashamed wearing girl’s uniform?? Knowing that you’re not a real woman? A living example of well educated but not totally mannered.”
“Wow allowed yan sa UE?” sabi naman ng isa.
Agad namang naglabas ng official statement ang UE Student Council at labis na kinondena ang ibinabatong gender discrimination kay Awra.
“Everyone deserves a safe and inclusive environment—where no one is left behind or discriminated against, regardless of their identity,” saad sa naturang pahayag.
Dagdag pa nito,”“UE is committed to fostering an inclusive atmosphere, where LGBTQIA+ members are respected, and students are permitted to wear opposite-sex attire of their choice and uniforms, provided they have approval from the Student Affairs Office.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.