Awra binasag ng netizen: Party-party ka na naman d'yan!?

Awra binasag ng netizen: Party-party ka na naman d’yan!?

Therese Arceo - July 30, 2024 - 02:58 PM

Awra binasag ng netizen: Party-party ka na naman d'yan!?

DIRETSAHANG sinagot ng komedyanteng si Awra Briguela ang isang netizen na sumisita sa kanya ukol sa pagpa-party.

Nag-upload kasi ang anak-anak ni Vice Ganda sa kanyang Instagram ng larawan nila ng award-winning actress na si Nadine Lustre.

“Energy doesn’t lie,” saad ni Awra sa kanyang caption.

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga ang naturang larawan nila ni Nadine.

Baka Bet Mo: Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice Ganda may rebelasyon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami ang natuwa at pumuri sa dalawa ngunit hindi rin talaga maiiwasang may mga tao na magkokomento ukol sa nagdaang isyu ni Awra.

Pinuna nito ang pagdalo sa event ng dalaga.

“Awra party party ka na naman diyan, na naman kapahamakan mo [emoji],” comment ng netizen.

Diretsahan ngunit magalang naman itong sinagot ng dating child actor.

“Fyi po, I don’t party anymore. Opening po yan ng new dance studio ng A-Team/Zero studio,” pagpapaliwanag ni Awra.

Nag-reply naman ang netizen sa sagot niya.

“A ok po ingat po lagi,” sey pa nito kay Awra.

Matatandaang naharap sa kontrobersiya noong nakaraang taon ang alaga ni Vice Ganda matapos itong masangkot sa isang brawl incident na nangyari sa isang bar sa Poblacion, Makati noong June 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa kuwento ay ninais lang ni Awra na ipagtanggol ang kaibigan niya mula sa mga kalalakihang nambastos rito.

Ngunit naging malala ang sitwasyon na nauwi pa sa pagkaka-detain niya sa pangangalaga ng mga pulis mula sa Makati.

Matapos makalaya ay naging mailap sa publiko si Awra at nagnilay-nilay sa mga naging aksyon niya na nagdala ng kapahamakan sa kanya na nakaapekto rin kahit papaano sa kanyang career last year.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending