Awra Briguela ibinandera ang pag-graduate ng ama sa college

Awra Briguela ibinandera ang pag-graduate ng ama sa college

Therese Arceo |March 14,2024
facebook
share this

Awra Briguela ibinandera ang pag-graduate ng ama sa college

Therese Arceo - March 14, 2024 - 01:42 AM

Awra Briguela ibinandera ang pag-graduate ng ama sa college

PROUD na proud ang social media personality na si Awra Briguela sa bagong milestone na nakamit ng kanyang ama na si Oneal Brian Briguela.

Sa kanyang latest Instagram post ay masaya nitong ibinahagi na graduate na ang kanyang ama ng Masteral Degree sa kursong Business Administration.

“Congratulations on all your well-deserved success, Pa”, saad ni Awra sa caption ng kanyang post.

Kalakip ring ng kanyang post ang larawan nila ng ama na nakasuot ng kanyang itim na toga.

Baka Bet Mo: Awra Briguela napagkamalang si Catriona Gray, ano’ng sey mo Sam Milby?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang naging bukas si Awra sa kanyang interviews na sinusuportahan niya ang ama sa pangarap nito na makapagtapos ng pag-aaral.

“Diba po ang sarap bumili ng gamit na pinagtrabahuhan? Ang sarap din makita ang tatay mo na nakapagtapos nang dahil sa ‘yo,” sey niya sa isang interview.

Matatandaang 2019 nang magtapos ang ama ni Awra sa kolehiyo at pagkatapos ay itinuloy niya ang pagma-masteral.

Marami naman sa kanyang mga kaibigan at supporters ang nag-comment para i-congratulate sila sa kanilang bagong achievement in life.

“[W]aaaaaaah cutie congrats tito,” komento ni Zeinab.

Sey naman ng isang netizen, “[A]ng galing nang papa mo, imbis na sa luho niya binili ang mga napag hirapan mo, ginamit niya sa pag aaral. Congrats sainyo, napakag tapos ka nang bachelors at masteral.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending