Awra Briguela nagbalik pag-aaral dahil kay Vice, babawi sa sarili

Awra Briguela nagbalik pag-aaral dahil kay Vice, babawi sa sarili

Therese Arceo - October 22, 2024 - 05:11 PM

Awra Briguela nagbalik pag-aaral dahil kay Vice, babawi sa sarili

AMINADO si Awra Briguela na isa sa malaking parte kung bakit siya bumalik sa pag-aaral ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Kasama kasi ang personalidad sa mga guests sa naging pasiklab na “Magpasikat” performance ng Team Vice, Karylle, at Ryan Bang nitong Lunes, October 21 na bahagi ng kanilang 15th anniversary celebration.

Isa nga si Awra sa mga nagsalita matapos ang performance nila.

“Thank you so much, Meme. Ikaw din ‘yong isa sa naging malaking parte kung bakit ako bumalik sa pag-aaral.

Baka Bet Mo: Awra Briguela dinipensahan ng UE student council sa mga bashers

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kasi sa kaniya ko lang po narinig ‘yong salitang ‘I believe in you,’” pagbabahagi ni Awra.

Kaya talagang pinursige ng social media personality ang makabalik sa pag-aaral.

“So, talagang pinush ko po talaga. And this time po, I’m doing really really better from myself this time,” sabi pa ni Awra.

Nais rin daw niyang bumawi sa kanyang sarili matapos ang kinaharap na malaking kontrobersiya.

“Gusto ko pong bumawi talaga sa sarili ko; sa mga bagay na hindi ko deserve. And this time, ayaw ko na pong ma-disappoint ‘yong mga taong totoong nagtitiwala at nagmamahal sa akin,” sabi ni Awra.

Sa ngayon ay hopeful ang personalidad at punung-puno siya ng pagmamahal at kapayapaan sa puso.

Para sa mga hindi aware, nasangkot noon si Awra sa gulo habang siya ay gumigimik sa Poblacion, Makati.

Sa ngayon ay nag-aaral siya sa University of the East-Manila.

Sa katunayan ay makikita sa mga social media posts ni Awra ang mga larawan niya kung saan ibinabandera niya ang kanyang suot na school uniform.

Nakatanggap nga ng pambabatikos ang personalidad kaya naman ipinagtanggol rin siya ng UE student council.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman si Vice sa ipinakitang pagsuporta ng mga taga-UE kay Awra.

“Sobrang supportive ng UE community na magpasuot ng uniform na pinipili ng estudyante base sa kanilang gender identity.

“UE is very progressive. Thank you very much,” sey ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending