Awra Briguela napagkamalang si Catriona, ano'ng sey mo Sam?

Awra Briguela napagkamalang si Catriona Gray, ano’ng sey mo Sam Milby?

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

Awra Briguela napagkamalang si Catriona Gray, ano’ng sey mo Sam Milby?

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 08:05 AM

Awra Briguela napagkamalang si Catriona Gray, ano'ng sey mo Sam Milby?

Awra Briguela at Catriona Gray

MAGKAWANGIS nga ba? Agree ba kayo sa kumakalat na chika na magkamukha si Miss Universe 2018 Catriona Gray at si Awra Briguela?

Nakakaloka ang mga comments ng netizens nang bumandera sa mga mukha nila ang mga pasabog na litrato ni Awra sa social media.

In fairness, bongga ang nakuhang atensiyon at papuri ng youngstar sa ipinost niyang glossy photos sa Instagram nitong nagdaang Valentine’s Day.

Super flex ang Kapamilya teenstar natanggap niyang bouquet of flowers noong Araw ng mga Puso na mula raw sa kanyang special someone.

Baka Bet Mo: Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

“’You look happier’ is the best compliment you can receive,” ang sabi ni Awra sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Maraming nagsabi na gumanda raw ang awra ng youngstar at mukhang in-love na in love daw talaga ngayon. Komento ng mga netizens ang dami raw niyang kamukha sa latest pictorial niya.

Baka Bet Mo: Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: ‘Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko’

Bukod sa grand winner ng “RuPaul’s Drag Race” na si Marina Summers ay may anggulo rin daw si Awra na kawangis ni Kendra Kramer.

May nabasa naman kami na mas kamukha raw ni Awra sa mga bago niyang litrato ang fiancée ni Sam Milby na si Catriona Gray.

Malaki rin daw ang pagkakahawig nila ng Hoywood actress na si Megan Fox dahil sa hugis ng kanilang mga face.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

E, ano naman kaya ng mase-say ni Sam sa mga nagsasabing kamukha ng kanyang future wife si Awra?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending