Catriona Gray, Sam Milby magkasama, dedma sa isyung break na
TILA walang paki ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby sa mga kumakalat na chikang hiwalay na sila.
Marami kasi ang nag-iisip na break na ang engaged couple dahil may pagkakataong hindi raw suit ng Miss Universe 2018 ang kanyang engagement ring at hindi na raw sila nagpo-post ni Sam ng pictures together sa social media.
Ang mga chikang baka break na sina Catriona at Sam ay lumabas kasunod ng pang-iintriga ng mga netizens sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa kabila ng pang-iintriga ay marami naman sa mga netizens ang nakahinga nang maluwag nang mag-upload ang beauty queen sa Instagram kung saan naka-tag ang aktor.
Pero ngayon ay talagang kumpirmadong walang hiwalayang nagaganap sa pagitan nina Catriona at Sam matapos mag-post ni John Prats ng kanilang larawan kasama ang asawang si Isabel Oli.
Tanging cooking emoji lang ang naging caption ni John sa IG post.
Baka Bet Mo: Catriona Gray pinalagan ang chikang hiwalay na sila ni Sam Milby
View this post on Instagram
Makikitang nag-comment si Catriona sa post at sinabing, “Insert the chookchooks!! [dogs emojis].”
Sey naman ni Isabel, “Team brekky [smiling face with heart eyes emoji].”
Makikitang in-upload rin ni John ang picture nila nina Catriona, Sam, at Isabel.
“What’s for breakfast?” saad niya.
Makikitang marami sa mga netizens ang nagbunyi na makitang magkasama ang dalawa na chinichikang magpapakasal ngayong taon.
“Yun na nga, hindi totoong hiwalay na kina Catriona at Sam,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Catsam may forever..dami mga memosa ito oh latest pics nila.”
“Sbi ng mga marites hiwalay na si sam at catriona.. sbi naman namin pano hiwalay eh lagi namin sila nakikita magkasama umuuwi dito sa condo nila hahaha,” sey naman ng isa.
Matatandaang February 2023 nang ma-engaged sina Sam at Catriona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.