Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka! | Bandera

Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!

Therese Arceo |June 29,2023
facebook
share this

Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!

Therese Arceo - June 29, 2023 - 07:33 PM

Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!
MATAPOS ang viral video ng pagkakadamay ni Awra Briguela sa dyombagan sa Poblacion, Makati, isa-isang naglabasan ang mga kaibigan nito gaya ni Zeinab Harake upang ipagtanggol ang dating child star.

Kaninang hapon lang nang lumabas ang video ng social media personality kung saan makikitang nasali ito sa rambulan at naposasan pa ng mga pulis.

Kaya naman hindi mapigilan ni Zeinab ang sarili at nag-tweet rin upang linawin kung ano ang naging dahilan ng pagkakadawit nito sa gulo na hindi nasabi sa viral video ngayon sa Twitter.

Hindi raw kasi buo ang context ng nagpakalat ng video dahil hindi naman nito sinabi sa caption kung ano ang dahilan ng pagkakasangkot nito sa away. Ipinagtanggol lang naman daw nito ang nga kaibigan na hinipuan ngunit sinuntok siya ng lalaki matapos niya itong komprontahin kaya nagkagulo.

“Having awra sa buhay ng mga kaibigan nya is a win grabe tong batang to sa sobrang pag mamahal nya magagawa nya yung mga bagay na hindi mo aasahan maparamdam lang nya sayong anjan sya sa hirap o ginhawa,” saad ni Zeinab.

Dagdag pa niya, “kaya andito den kaming mga totoong ipag lalaban ka walang iwanan sa ere ayun ang tunay na kaibigan!!”

Baka Bet Mo: Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis

Maging ang iba pang mga kaibigan ni Awra ay nagsalita na rin sa kani-kanilang Twitter accounts gaya nina Mika Salamanca, Lantis Espiritu, at Melissa Enriquez.

“AWRA BRIGUELA IS A RIDE-OR-DIE KIND OF FRIEND SINCE DAY ONE!! SHE DOESN’T DESERVE ANY OF THIS,” lahad ni Lantis, isa rin sa mga miyembro ng team ni Zeinab.

Sey naman ni Mika, “Sana pag nag post naman yung iba dyan yung buong story sana. Never mag rereact ng ganon si Awra because of nothing lang.”

“Kung magkakalat kayonng chismis kay @AwraBriguelaaa paki kalat na din tubb reason kung baket sya nakipag away. BINASTOS ANG KAIBIGAN NYA SA GIMIKAN,” sey ni Melissa na parte rin ng team ni Zeinab at kaibigan ni Awra.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Awra hinggil sa isyung kinakaharap.

Related Chika:
Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: ‘Silicon lang sis, na-push sa sikip!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending