Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO | Bandera

Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO

Therese Arceo |June 09,2023
facebook
share this

Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO

Therese Arceo - June 09, 2023 - 07:27 PM

Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO
MUKHANG walang makakapigil sa dating child star na si Awra Briguela na gigil na gigil ngayon sa social media.

Tila may pinatatamaan nga ang anak-anakan ni Vice Ganda sa kanyang sunud-subod na mga tweets nitong Biyernes, June 9.

“amackana gaslighter, manipulative. fcking cheater. lol,” saad ni Awra.

Sunod niyang tweet, “tang **ang toh, kala mo talaga ang linis.”

At tila nagbabanta na nga si Awra sa mga sumunod pa nitong tweet na “WAG AKO.”

Maramo naman sa mga netizens ang nakaabang sa “tsaa” na tila malapit nang i-spill ng social media personality.

Bagamat wala kasing diretsang pinatutungkulan si Awra kung sino ang kanyang pinatatamaan ay tila may clue ang madlang pipol kung sino ito.

Marami sa mga netizens ang naniniwalang para sa basketbolistang si Ricci Rivero ang kanyang mga tweets.

Baka Bet Mo: Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’

At kaninang umaga nga lang ay muli itong nagpatama sa mga taong gaslighter at manloloko.

“good morning guys, except sa amgee dyan kala mo naman talaga,” sey ni Awra.

Nag-trending kasi ang binata matapos kumalat sa social media ang screenshot ng Instagram story ni beauty queen-politician na si Coun. Leren Mae Bautista. Ito ay isang stolen shot ng binata na ini-restory naman ng huli.

Aware naman ang publiko na ang binata ay dyowa ni Andrea Brillantes at wala namang anunsyo ang dalawa kung hiwalay na nga ba sila kaya siguro hindi rin napigilan ni Awra na ipagtanggol ang kaibigan.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Ricci sa pamamagitan ng isang tweet ukol sa isyu.

Aniya, “I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship. I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain.”

Hanggang ngayon ay waiting pa rin ang mga netizens kung ano pa ang magiging pasabog ni Awra sa kanyang mga tweets.

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending