Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…
NAPAGTANTO ng batang komedyante na si Awra Briguela na maling-mali ang mga ginawa niya noong mga panahong sunud-sunod ang natatanggap niyang kanegahan sa social media.
Isa ang Kapamilya youngstar sa mga celebrities na talagang nakaranas ng iba’t ibang klaseng pamba-bash mula sa mga mapanghusgang netizens.
Nu’ng una ay talagang patol kung patol ang drama ni Awra ngunit kalaunan ay nagdesisyon siyang manahimik na lang muna dahil marami na ang nadadamay na wala namang kinalaman sa mga isyung kinasasangkutan niya.
Nakachikahan ni Awra ang award-winning actress at vlogger na si Aiko Melendez sa isang vlog nito sa YouTube at dito nga niya naikuwento ang mga pinagdaanan niya nitong mga nagdaang buwan.
“It really takes time. Hindi ko masasabi ngayon na I’ve finally moved on, na I’m finally done with everything. Nandito pa rin ako sa point ngayon na naghi-heal,” simulang sabi ni Awra.
“Kaya ako nanahimik ng matagal na panahon kasi bukod sa kailangan kong ipakita na considerate and understanding ako na tao, kailangan ko ring ipakita sa kanila na naiintindihan ko sila kesa sa naiintindihan nila ako,” pag-amin ng komedyante.
Pagpapatuloy pa niya, “‘Yung time po kasi na nanahimik ako, when you are triggered and mad, lahat masasabi mo eh. Like siyempre, emotional ka, nanginginig ka pa. ‘Yung eagerness mo para ma-feel mo ‘yung satisfaction, ma-express mo ‘yung nararamdaman mo, lahat sasabihin mo.
“And at that time, I felt like I’m superior. Nag-aagree sila sa akin, lahat sila nasa side ko. That’s why I’m not scared to post kahit ano’ng ipost ko,” aniya pa.
Pero naisip nga niya na may mali sa mga ginagawa niya nu’ng mga panahong iyon, “I realized na mali na ‘to. Na even if umagree sila sa akin, pumanig sila sa akin, ‘yung apoy parang nilalagyan ko lang ng gas.
“Lumalaki lang ‘yung apoy na walang pinatutunguhan. So, I realized habang tumatagal ang panahon, hindi na tama ‘yun,” sey pa ni Awra.
Sa tanong ni Aiko kung ano ang mga natutunan niya sa mga pinagdaanan niya bilang isang kabataan na nakikipaglaban sa kanyang mga karapatan, “Ang natutunan ko po, once na galit ako, triggered ako and may nararamdaman akong hindi maganda, kailangan ko lang huminga.
“Kailangan kong pag-isipang mabuti and especially magtatanong ka sa mga taong napagdaanan na ‘yun para i-guide ka nila,” sambit ni Awra.
Sa bandang huli, nagpasalamat ang batang comedian sa kanyang mga magulang pati na kay Vice Ganda na siyang nagsisilbing gabay para hindi mapariwara ang kanyang buhay.
“Kasi ‘yung parents ko, sila ‘yung number one na gusto nila umintindi lang ako ng umintindi and magpatawad ako ng magpatawad.
“Si Ate Vice naman ‘yung handang ipaglaban ako kung ano ‘yung gusto ko. So, inaantay lang ni Meme kung gusto kong ituloy ‘yung gusto kong mangyari or gusto niyang mag-heal na lang at pabayaan,” pagbabahagi pa ni Awra Briguela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.