Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga | Bandera

Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga

Therese Arceo |March 11,2023
facebook
share this

Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga

Therese Arceo - March 11, 2023 - 10:38 PM

Xian Gaza dinipensahan ang contestant na pinayuhan ni Maine: Stop bashing that nanay from Eat Bulaga
HINDI napigilan ng social media personality na si Xian Gaza na ipagtanggol ang “Eat Bulaga” contestant na nag-viral dahil sa kanyang mensahe sa anak.

Naging usap-usapan sa social media ang isang nanay na nagsasabing mag-aral mabuti ang anak dahil ito ang makakapag-ahon sa kanila sa kahirapan na pinayuhan ni Maine na huwag ipasa sa anak ang responsibilidad lalo na’t bata pa silang mag-asawa at marami pang pwedeng gawin para guminhawa ang buhay.

Agad namang nag-viral ang video clip mula sa longest noontime show at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens at mostly ay ang hindi pagsang-ayon sa pahayag ng ginang kaya to the rescue naman si Xian.

“Stop bashing that viral Nanay from Eat Bulaga. Ganun siya pinalaki ng magulang niya. Lahat ng tao sa paligid niya ay gano’n din ang mindset.

“Nakakulong sila sa mundo ng kahirapan. Kinakatawan niya ang milyun-milyong magulang na Pilipino. Imulat natin sila,” saad ni Xian.

Matatandaang ang ipinayo ni Maine kay Incess ay “Payo naman ni Maine, “Bata ka pa Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay. Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya ang responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni mister.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

Aniya, hindi raw maiintindihan ng iba ang pinanggagalingan ni Incess lalo na kung lumaki ito sa magandang environment, hindi gaya ng kanilang kinalakihan.

Dito ay naikuwento ni Xian na maging siya ay biktima ng ganitong paniniwala at namulat na lamang nang tumanda na dahil na-expose na siya sa mas malawak na mundo.

“Hindi malalaman ng ibon kung paano ang tamang paglipad kung nakakulong lamang siya sa isang hawla simula nang siya’y ipanganak.

“Your are bashing her for something na hindi niya alam na mali. Unang-una sa lahat hindi siya isang public figure para banatan niyo. Napaka-sincere at nakapaka-emosyonal ng pagkakasabi niya kasi nga ang akala niya ito yung tana. Mababaw kayo masyado,” sey ni Xian.

Related Chika:
Xian Gaza kay Barbie: Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending