Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque | Bandera

Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

Therese Arceo |August 03,2023
facebook
share this

Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

Therese Arceo - August 03, 2023 - 07:53 AM

Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

KITANG-KITA ang saya ni Unkabogable Star Vice Ganda para sa kaibigang si Bea Alonzo matapos nitong malamang engaged na ito kay Dominic Roque.

Mapapanood sa latest vlog ng Kapuso actress ang surprise visit ng “It’s Showtime” host sa kanyang hotel room habang naghahansa ito sa nagdaang GMA Gala 2023.

Super happy si Bea nang magyakap sila ni Vice at talagang excited na pag-usapan ang mga naging ganap sa naging wedding proposal ni Dominic sa kanya.

“Na-excite ako… Ang ganda ng video [proposal] kahapon. Pinanood ko,” bungad ni Vice.

Chika pa niya kay Bea, “Naiyak ako. Sabi ko ‘yung pilikmata ko… Sa post mo ko nakita [‘yung proposal.”

Isa rin daw sa mga rason ng pagpunta ni Vice sa GMA Gala 2023 ay para makitang muli si Bea.

Habang dumadalaw ay pabirong inasar ni Vice si Dominic.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang pogi niya o. Masaya siya e. Umiiyak pa rin siya kahapon samantalang siya ‘yung gumawa ng video,” pambubuko ni Vice sa fiancee ni Bea.

Biniro pa nga ni Vice ang naging halikan ng dalawa matapos ang proposal na ikinatawq naman ng kaibigan habggang sa nagpaalaman na ang mga ito para maghanda sa evening event na dadaluhan.

“Si Vice, we go way back kasi nakita niya lahat ng tears ko. Isa siya sa mga iniyakan ko sa lahat ng mga heartbreaks ko in the past,” pagkukuwento ni Bea.

Dagdag pa niya, “Isa rin siya sa mga tumawag noong na-announce na namin [‘yung engagement]. Sabi n’ya talaga kailangan niya akong dalawin dito sa kwarto para bigyan ako ng isang tight na hug because sobrang happy talaga siya.

Inamin rin ni Bea na parte si Vice Ganda sa pagsisimula ng love story nila ni Dominic.

“Isa siya sa mga dahilan kung bakit naging kami ni Dom… Parang feeling niya involved talaga siya sa whole process of us being together so natuwa lang ako,” lahad pa niya.

Bago pa ang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network ay talagang malapit na silang magkaibigan ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang base sa naging kuwento ni Dominic noon sa vlog ng kanyang dyowa ay kinulit niya noon si Vice na ipakilala siya kay Bea dahil matagal na niyang crush ang aktres ngunit ang sikreto niya ay ibinuking agad ng “It’s Showtime” nang ipakilala niya si Dom sa aktres.

Related Chika:
Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending